Stray dog na laging nagagawi sa isang kainan sa loob ng isang mall sa Davao City pinakakain ng service crew

  • Kinalugdan ng mga netizens ang isang service crew ng isang kainan sa loob ng isang membership shopping mall sa Davao City
  • Makikita sa larawan na hawak niya ang isang puting stray dog na pumasok sa loob, hindi para itaboy, kundi para pakainin
  • Kuwento niya, lagi raw talagang nagpupunta ang naturang aso doon kaya kilala at sanay na sila sa kaniya

Isa sa mga tungkulin ng service crew sa isang restaurant o fast food chain na itaboy ang mga hayop kagaya ng stray dogs o cats na magagawi sa loob ng kanilang establisyimiento, upang sa gayon ay matiyak ang kaligtasan ng mga customers sa loob nito.

Subalit sa isang kainan sa loob ng mall sa Davao City, kinalugdan ang isang service crew na sa halip na itaboy ang isang puting stray dog na pumasok sa kanilang establisimyento ay dinala niya ito sa isang lugar at doon binigyan  ng pagkain. Naispatan iyan ng isang netizen na nagngangalang “Eric Cuevas Jayme” na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni
Eric Cuevas Jayme

“Isang doggo nahuli nanghihingi ng chicken sa S&R, kudos sa staff ang bait nila kay doggo,” saad sa caption ng naturang post.

Ayon pa kay Jayme, nabigyan siya ng pagkakataong makausap ang naturang service crew mula sa SnR. Aniya, “regular” daw na nagpupunta ang naturang stray dog sa kanilang kainan upang humingi ng pagkain, kaya kilala na nila ito. Dahil hindi talaga maaaring makihalubilo ang mga hayop sa loob nito, dinadala na lamang nila ito sa labas upang doon pakainin.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“I saw this dog always hanging out here in S&R Davao restaurant in Ayala Abreeza. A lot of the diners like this dog because it’s very friendly and the restaurant staff always treats it nicely,” patotoo ng isa.

Turan naman ng isa, “Left over is enough to make them happy and they will not forget you. God bless you guys.”

“Buti pa sila. Samantalang yung ibang FAST FOOD CHAIN diyan… ‘di bale maitapon sa basura yung mga excess basta wala lang maipamigay… Oh ‘di ba. Ayaw malugi pero tatapon din naman yung excess,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Mabuhay po kayo!

Loading…