Sunday Noontime Live! at Sunday ‘Kada ng TV5 pansamantalang nagpaalam sa ere

  • Season ender episode ng Sunday Noontime Live! at Sunday ‘Kada sa Enero 17, 2021
  • Ayon mismo ito sa opisyal na pahayag ng Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez
  • Samantala, tuloy-tuloy naman daw sa ere ang “Lunch Out Loud o LOL” at “Oh My Dad!”

Pansamantala munang magpapaalam sa ere ang “Sunday Noontime Live!” at “Sunday ‘Kada” sa TV5 na pinrodyus ng Brighlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez, ayon sa kaniyang opisyal na pahayag, na ang season ender episode nitong Enero 17, 2020.

Pinabulaanan nila ang naunang balita ng Philippine Entertainment Portal o PEP na tuluyan na silang magpapaalam. “Season ender” lamang ang tinutukoy sa lumabas na opisyal na pahayag ng Brightlight Productions, kaya pansamantala lamang ang kanilang pamamaalam sa ere, upang mas mapaghandaan pa ang kanilang mga susunod na episodes.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Dito natin mapapansin talaga na mas loyal ang mga televiewers sa network kaysa sa mga artists! Siguro kailangan lang nilang mag-improve talaga kaya kailangan nilang magpahinga saglit. Sana pagbalik nila, more exciting episodes to come! Actually may laban naman sila sa mga katapat nilang shows,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Hopefully po makabalik pa kayo. Magaganda naman po ang shows ninyo, kaya lang, sana mag-improve pa ang signal ng Tv5, saka sana mas lumawak pa. Kung tutuusin, sila ang mahigpit na kalaban ngayon ng GMA Network ngayon pagdating sa free TV.”

“Hoping for the best! Sana makabalik kayo!” saad naman ng isa.

Parehong nag-premiere ang Sunday Noontime Live at Sunday ‘Kada noong Oktubre 18, 2020, at nakakaisang season pa lamang ito o katumbas ng tatlong buwan.

Public Domain Image

“Sunday Noontime Live (SNL)’s delightful run is about to end and we await future endeavors from its outstanding stars and phenomenal newcomers,” bahagi ng pahayag ng Briglight Productions para sa SNL na katapatan ng “ASAP Natin ‘To” ng Kapamilya Channel/A2Z at “All-Out Sundays o AOS” ng GMA Network.

Pangunahing hosts ng SNL ang mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at Miss Universe 2018 Catriona Gray. Nito lamang buwan ay pinalitan ng basketball star na si Ricci Rivero si Donny, dahil may gagawing proyekto ang huli sa Kapamilya Network.

Ang Sunday ‘Kada naman daw ay “will explore new locales, exciting locations and more laughs in the near future,” subalit nilinaw mismo ng isa sa mga writers nito na season ender lamang ang mangyayari sa Enero 17, at babalik pa sila sa ere.

Samantala, patuloy pa rin sa ere ang noontime show na  “Lunch Out Loud o LOL” at sitcom na  “Oh My Dad!”

Loading…