Supporters ni Trump nagtangkang pigilan ang kumpirmasyon kay Biden bilang bagong presidente ng Amerika

Screenshot mula sa video ni Michael Holmes via Twitter
  • Pinasok ng mga supporters ni Pres. Donald Trump ang Capitol Building
  • Pinigilan ng mga protesters ang Kongreso na mabilang ng mga mambabatas ang electoral votes at kumpirmahin na si President-elect Joe Biden ang susunod na lider ng USA
  • Tinawag ni President-elect Joe Biden na insurrection ang ginawa ng mga Trump supporters

Daan-daang supporters ni US President Donald Trump ang nagpumilit na makapasok sa loob ng Capitol building upang pigilan ang Kongreso na bilangin ang Electoral votes at kumpirmahin na si President-elect Joe Biden ang susunod na lider ng Estados Unidos.

Imahe mula kay Rebecca Tan via Twitter

Dakong ala-una ng hapon noong Miyerkules, January 6, nang magsimulang itulak ng mga Trump supporters ang mga barikada sa paligid ng Capitol building habang nagsisigawan ng “USA, USA!”

Agad kumalat sa social media ang mga video na nagpapakitang nakikipagbuno ang mga federal police officers upang subukang pigilan ang mga protesters na makapasok sa gusali.

Bago ang pangyayari, mahigit isang oras na nagbigay si Trump ng talumpati sa harap ng kanyang mga supporters sa National Mall, kalapit ng Capitol Building, kung saan sinabi niya kung bakit siya ang dapat manatiling presidente ng USA.

Matapos niyon ay naganap na ang pagmartsa ng mga protesters patungo sa Capitol building.

Tinawag ni President-elect Joe Biden na isang insurrection ang ginawa ng mga protesters at hinimok niya si Pres. Trump na manawagan sa telebisyon upang matigil ang nangyayari.

Screenshot ng tweet ni US President-elect Joe Biden

“At this hour, our democracy is under unprecedented assault. I call on President Trump to go on national television now to demand an end to this siege. To storm the Capitol, to smash windows, to occupy offices, the floor of the United States Senate… threatening the safety of duly elected officials? It’s not a protest, it’s insurrection,” wika ni Biden.

Makalipas ang dalawang oras, nagbigay si Pres. Trump ng mensahe sa mga supporters sa pamamagitan ng isang video.

Screenshot mula sa video ni US Pres. Donald Trump

“I know your pain. I know your hurt. But you have to go home now…we can’t play into the hands of these people. We have to have peace. So go home. We love you. You’re very special,” mensahe ni Pres. Trump sa kanyang mga supporters.

 

Loading…