Suzette Doctolero sa nagsabing may ‘kabit twist’ ang Voltes V: Legacy: ‘Bakit ko bibigyan ng kabit ang robot???’

Image by Suzette Doctolero via Twitter | Image by GMA News via Facebook
  • Ilang netizens umaalma na baka malagyan ng twist sa pagkakaroon ng kabit, nawawalang anak ang Voltes V: Legacy
  • Suzette Doctolero sinabing inaprubahan ng Japan ang scripts ng Voltes V: Legacy
  • Ayon sa ilang netizens, may parte talaga na may kaugnayan sa nawawalang anak ang palabas

Sinagot ni GMA creative writer Suzette Doctolero na siyang nangunguna sa creative team ng Voltes V: Legacy ang mga komento ng mga netizens na baka matulad sa Pinoy soap opera ang palabas at malagyan ng twist na may kinalaman sa pagkakaroon ng kabit, pagpapalit ng sanggol o paghahanap sa nawawalang magulang.

Image by Suzette Doctolero via Twitter

Kapag nagkaroon kasi ng ganitong twist, ayon sa ilang netizens, ay baka mawala sa kuwento ang palabas yamang magiging kakaunti na lamang daw ang robot fights at magmistulang drama serye ito.

Pero post ni Suzette sa Twitter, “And pls stop telling me na sana walang kabit. Bakit ko bibigyan ng kabit ang robot??? Lolz. FYI, Ang lahat po ng scripts, karakter na dinagdag, mundo at kulturang pinalawig [email protected] Boazanian language ay inaprubahan po ng Japan. Okey? 🙂 see ya soon.”

May mga netizens pa na nagsabing talagang may bahagi ang Voltes V patungkol sa nawawalang anak. Sabi ng isa, “Errmmm… sorry to burst your bubble, but there actually IS a storyline of a “missing/estranged” son in the original series.

“A Boazanian who also happens to be the blood brother of the Armstrong brothers. If you really are a Voltes V fan, you’d know who I’m talking about.”

Wika pa ng iba, intergalactic war ng dalawang pamilya ang Voltes V at sa episode na may kinalaman sa Bazinga vs. Voltes V ay heavy drama talaga ito.

Image by GMA News via Facebook

Pagbabahagi ng pamosong manunulat ng GMA Network, lahat ng elemento sa scripts, pagpapalawak sa mundo at dagdag na karakter ay inaprubahan sa Japan.

Sa katunayan, noong nakaraan pa umano natapos ang scripts at nabasa na sa Japan kaya’t walang maipalalabas na hindi inaprubahan.

Ididirihe ni Mark Reyes ang Voltes V: Legacy. Siya rin ang nagdirihe sa Encantadia. Ang computer graphics nito ay gagawin ng post-production company na Riot Inc. sa supervision ng TOEI Animation.

Image by GMA News via Facebook

Loading…