Talumpati ni Pang. Duterte naistorbo dahil sa maingay na motorsiklo

Imahe mula sa Compostela LGU
  • Naudlot ang speech ni Pangulong Duterte sa opening ceremony ng Skyway Stage 3 dahil sa ingay ng motorsiklong dumaan
  • Dahil sa insidente ay pinag-iisapan ng Pangulo na paigtingin ang crackdown laban sa mga motorsiklong may modified muffler
  • Ang ingay mula sa modified mufffler ng motorsiklo ay umaabot sa 120 decibels na nakapipinsala sa pandinig ng mga tao

Nagambala ang speech ni Pangulong Duterte sa opening ceremony ng Skyway Stage 3 noong Huwebes, ika-14 ng Enero, dahil sa ingay ng tambutso ng motorsiklong dumaan.

Imahe mula kay Ramon S. Ang

Dahil sa insidente ay tila iniisip ng Pangulo na magsagawa ng crackdown laban sa mga motorsiklong may modified muffler na sanhi ng grabeng ingay na tinatayang umaabot sa 120 decibels na nakapipinsala sa pandinig ng tao.

“’Langhiya. Iyan ang ayaw ko. You know in Davao, wala ‘yan. Pinapara ko sa highway tapos sabi ko, ‘tanggalin mo ‘yan.’ Ang problema ang motor ko maingay. Ako ‘yung unang nag… tinuli ko ‘yung exhaust,” sambit ni Pangulong Duterte matapos magambala ng maingay na motorsiklo.

Noise pollution na maituturing ang maingay na tambutso ng motorsiklo, ayon sa Pangulo.

“Because you know pollution is really very, very present in our lives today and it is really considered a pollution and is hazard to the health of the people. One of these days, sabihan ko ‘yang mga motorsiklo,” anang Pangulo tungkol sa mga maiingay na motorsiklo.

Imahe mula sa BPinoy

Ayon pa kay Pangulong Duterte, sa Davao City ay mahigpit niyang ipinagbawal ang mga motorsiklong may modified muffler kaya raw tahimik doon.

“Alam ko nako-corny-han kayo. But wala naman akong maituro na lugar. It does not exist in Davao. There is no broom-broom around. It’s quiet and it is extremely quiet,” aniya.

Screenshot mula sa CIO video

Hindi ito ang unang pagkakataon na naistorbo ng maingay na motorsiklo ang Pangulo. Noong 2016, nagpahayag rin siya ng pagkairita dahil naistorbo ang kanyang media interview dahil sa pagdaan ng mga miingay na motorsiklo.

Mayroon namang umiiral na polisiya ang Land Transportation Office laban sa mga ganitong motorsiklo na kung tawagin ay “Bora Bora.” Limang libong piso ang multa sa mahuhuling motorsiklo na may modified muffler na naglalabas ng ingay na hanggang 115 decibels.

Imahe mula sa TopGearPH

Loading…