Tatlong henerasyon ng mga botante, hinangaan ng netizen

Imahe mula sa Facebook | Marlon Jordan
  • Natuwa ang isang netizen sa mag-iina mula sa Tanza, Cavite na sabay-sabay na nagparehistro para sa 2022 elections
  • Palagay niya raw, malaking bagay na nagdesisyon ang lola na magparehistro upang tularan siya ng kaniyang anak at apo
  • Nakiusap si Comelec commissioner Rowena Guanzon sa mga may edad 18 na magparehistro na bago ang deadline sa September 30

Kamakailan lamang ay nakiusap si Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon sa taumbayan na magparehistro na para sa 2022 elections.

Imahe mula sa PNA

Aniya, “last deadly deadline” na nito sa September 30 dahil marami pa silang dapat ihanda para sa paparating na eleksyon. “Parang awa n’yo na mga anak na 18 years old, magpa-register na kayo sa Comelec,” ani Guanzon sa isang post sa Twitter.

Kabilang ang mag-iina mula sa Tanza, Cavite sa mga nakinig sa pakiusap na ito dahil magkakasama silang pumunta sa Comelec upang makapagpa-rehistro.

Kuwento ng netizen na si Marlon Jordan, natuwa siya nang makita ang lola, ina, at anak na sabay-sabay na sumasagot sa registration form. “Masaya ako na nakita ko silang nagkakaisa at magkakasama. Tatlong henerasyon na nagsama-sama sa pagpaparehistro para makaboto sa halalan sa 2022,” sabi ni Marlon sa News 5.

Imahe mula sa Facebook | Marlon Jordan

Dagdag pa ni Marlon, sa tingin niya ay malaking tulong ang pagpaparehistro ng lola upang tularan siya ng kaniyang anak at apo.

Ani Guanzon sa ABS-CBN Teleradyo, kapag natapos ang registration sa September 30 ay sisimulan na nilang i-assign ang mga botante sa mga presinto. Ang mpag-iimprenta naman daw ng mga balota ay magsisimula sa Enero 2022 at inaasahang matatapos mula huling linggo ng Marso hanggang unang linggo ng Abril.

“Very tight schedule. Huwag na po kayong mag-last minute. Kung kaya naman ninyo, magpa-rehistro na po ngayon,” sabi pa niya.

May priority lane sa registration sites sa National Capital Region (NCR) para sa frontliners kabilang na ang mga doktor, nurse, medical technologists, pulis, sundalo, at public order and safety officer.

Nakapagpa-rehistro ka na ba?

 

Loading…