Tatlong suspek sa Christine Dacera case emosyonal matapos palayain

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Tatlong suspek sa kaso ng flight attendant na si Christine Dacera pinalaya
  • Naging emosyonal ang tatlo matapos palayain
  • Iginiit ng mga suspek na wala silang kasalanan

Ipinag-utos ng Makati Prosecutor’s Office sa Makati City Police na palayain ang hawak nitong tatlong suspek sa kaso ng flight atttendant na si Christine Dacera.

Imahe mula sa CNN PH

Dakong alas-siyete ng gabi noong Miyerkules, January 6, nakalaya ang tatlo na kinilalang sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili. Sa susunod na linggo, sa January 13, ay isasailalim pa sila sa further investigation.

“After a thorough evaluation of the facts and evidence presented during inquest proceedings, the Office of the City Prosecutor, Makati City resolved to refer the case for further investigation and to release the arrested persons from detention,” saad ni Prosecutor General Benedicto Malcontento sa kanyang statement.

Ayon kay Malcontento, kailangan pang magsagawa ng regular na preliminary investigation sa naturang kaso upang alamin kung talaga bang napagsamantalahan at pinaslang si Christine Dacera.

Pinagsusumite rin ng prosecutor ang pulisya ng mga karagdagang ebidensya, kabilang ang DNA analysis report, toxicology/chemical analysis at histopath examination report.

Screenshot mula sa CNN PH video

Naging emosyonal naman ang mga pinalayang suspek nang humarap sa media. Nanindigan sila na wala silang kasalanan.

“Hirap na hirap na kasi ang pamilya ko, buong pamilya ko. Wala naman kaming kasalanan. Sana, alamin muna nila kung ano talaga. Ako, pumunta ako dito para magbigay ng salaysay. Tapos, bigla na lang nila kami kinuha. Nakikipagtulungan lang kami sa kanila. Binigay lang namin kung ano iyong alam namin,” sabi ni Halili.

Si Galido naman, na diumano ay itinuturing na pinakamalapit na kaibigan ni Christine, ay nagbigay ng mensahe sa pamilya Dacera.

“Para sa pamilya ni Christine, nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman nila. Si Christine, parang naging kapatid ko na rin po siya. Mahal na mahal ko po si Christine,” aniya.

Screenshot mula sa CNN PH video

“Christine, kung nasaan ka man ngayon, i-clear mo ang mind ng mom mo, na wala kaming kasalanan dito. Alam mo kung gaano ka namin kamahal. At ang tanging hiling namin ay parati mo bantayan ang pamilya mo at mga kabigan mo. Alam mo kung gaano ka namin kamahal, kasi part ka na ng buhay namin. At ngayon, mahirap tanggapin na wala ka,” panawagan naman ni De la Serna.

Bukod sa tatlo ay siyam pa na nakasama ni Christine Dacera sa hotel party ang itinuturing na suspek sa nangyari, kabilang na  si Gregorio de Guzman na anak ng singer na si Claire dela Fuente.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…