Team Kramer daughters nag-aaral ng martial arts; Doug may mensahe sa mga kapwa magulang

  • Ipinagmalaki nina Doug at Chesca Kramer ang kanilang mga “warrior princess” na sina Kendra at Scarlett na marunong na sa martial arts
  • Nakakuha na sila ng yellow belt sa arnis
  • Ginagawa nila ito upang magsilbing proteksyon sa malapit na hinaharap

Ibinahagi ng mag-asawang Doug at Chesca Kramers ang bagong development sa kanilang mga anak na sina Kendra at Scarlett: nag-aaral na ang dalawa ng iba’t ibang martial arts, na magsisilbing paghahanda upang maipagtanggol nila ang sarili sa hinaharap, kung kakailanganin.

Makikita sa Instagram post ni Doug Kramer ang mga larawan nina Kendra at Scarlett, at ang paliwanag niya kung bakit pabor siyang matuto ng martial arts ang mga anak na babae.

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

“I can protect my girls when needed, but believe me, as they continue to progress, they will be able to stand up for themselves,” saad ni Doug.

“Arnis, Taekwondo, and Jiu Jitsu! Those are the disciplines they work on weekly. And today they got promoted, they’re now yellow belts in our national sport, Arnis!” dagdag pa.

Nagbigay naman siya ng mensahe sa mga kapwa magulang.

“As parents, the best we can do is guide and prepare our children for life’s storms,” aniya.

Samantala, proud na proud din naman ang kanilang inang si Chesca Garcia-Kramer para sa kaniyang mga “warrior princesses” sa kaniyang Instagram post.

“A proud moment too was to hear them recite the Arnis Creed. Sharing it to all of you,” saad ni Chesca.

Imahe mula sa Instagram post ni Chesca Kramer

“Modern Arnis is to develop mind body and spirit. I will learn self discipline, self control and inner strength. I will practice loyalty, honor and respect towards my teachers, family, friends ,country and all other beings. I will stay away from negative behavior that may affect others and me. Most of all, I will strive to attain the ultimate goal of modern arnis – the way of peace,” saad sa Arnis Creed na ibinahagir rin ni Chesca.

Itinuturing na pambansang martial arts ng Pilipinas ang arnis na tinatawag ding “kali” o “eskrima.”

Loading…