Technical working group binuo upang pag-aralan ang mga bagong COVID-19 variants

Imahe mula sa WebMD
  • Nagbuo ng TWG ang IATF para matutukan ang pag-aaral sa new COVID-19 variants
  • Si DOH Usec. Vergeire ang chairman ng TWG
  • Ang pagbuo ng TWG ay batay sa direktiba ni Pangulong Duterte na bumuo ng grupo ng mga eksperto na ang pagtutuunan ay ang bagong variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa UK

Bumuo ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ng isang technical working group (TWG) na magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa mga bagong variants ng COVID-19.

Imahe mula sa The Conversation

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ring tagapagsalita ng IATF,  na si Department of Health Undersecretary Dr. Ma. Rosario Vergeire ang chairman ng TWG at co-chair naman si Jaime Montoya na executive director ng Philippine Council for Health Research and Development.

Ang pagbuo ng TWG ay batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng grupo ng mga eksperto na ang pagtutuunan ay ang bagong variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa United Kingdom.

Ayon kay Roque, sa ilalim ng resolution number 92 na inaprubahan ng IATF, ang TWG ay naatasan na mag-monitor at kumilala sa paglitaw ng SARS-CoV-2 variants sa bansa. Tungkulin din nito na magmungkahi sa IATF ng mga polisiya hinggil sa nararapat na pagtugon sa new variants ng COVID-19.

“This Technical Working Group will monitor and identify the occurrence of new variants of COVID-19 in the country and will provide policy recommendations to the IATF on the appropriate response regarding these variants,” aniya.

Screenshot mula sa Inquirer video

Dahil sa mga napaulat na ilang bansa ang apektado na ng new COVID-19 variant ay nagpatupad ang Pilipinas ng travel restrictions sa mga travelers na manggagaling sa mga apektadong bansa. May ilang exemptions naman sa travel ban tulad ng mga foreign dignitaries, foreign diplomats at mga miyembro ng international organizations tulad ng World Health Organization (WHO) at ng United Nations.

Sabi ni Roque, ang mga opisyal ng WHO at UN na magtutungo sa bansa ay kailangang sumailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction test at sa 14-day quarantine.

Source :

Philstar, CNN PH

Loading…