Tim Yap nilinaw ang isyu na may nagpositibo sa COVID-19 sa kaniyang guests

Imahe mula sa Instagram | Tim Yap
  • Itinanggi ni Tim Yap na may mga nagpositibo sa COVID-19 matapos ang ginanap na pagdiriwang ng kaniyang kaarawan kamakailan
  • Aniya, negatibo ang lahat ng kaniyang mga kasama
  • Pinagmulta sina Tim Yap at kaniyang mga kasama dahil sa kanilang mga violation sa quarantine protocols

Pinabulaanan ni Tim Yap ang usap-usapan na may mga nagpositibo sa COVID-19 matapos ganapin ang kaniyang birthday party sa Baguio City kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Tim Yap

Sa Instagram ay sinagot ni Tim ang netizen na nag-iwan ng komento sa kaniyang larawan.

“How irresponsible. You guys threw a party and based on the tea I’ve heard, people were infected and you guys are keeping it hush hush. Entitled celebrities and ‘influencers,'” sabi nito.

Sagot naman ni Tim, “The tea is fake news. I hope you don’t base your truth through an anonymous post. Everyone in the group is negative. That is fact.”

Inulan ng kritisismo sina Tim at ang kaniyang mga guest sa ginanap niyang party sa Baguio dahil hindi umano nila sinunod ang mga quarantine protocols.

Imahe mula sa Instagram | Tim Yap

Nagbayad ng kabuuang P9,000 ang The Manor at Camp John kung saan ginanap ang pagdiriwang — P1,000 para sa hindi pagsunod sa face mask ordinance; P3,000 para sa hindi pagsunod sa social distancing ordinance; at P5,000 para sa violation ng New Normal Operation for Business Establishments.

Samantala, nagbayad naman ng tig-P1,500 ang mga dumalo rito kabilang na sina Tim, KC Concepcion, at asawa ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na si Arlene Magalong.

“The Manor submitted a commitment to follow health protocols which is another requirement of the City Permits and Licensing Division before it can renew its business permit. The citation tickets were issued by the Public Order and Safety Office,” sabi ng Baguio Public Information Office.

Basahin: Magalong’s resignation as contact tracing czar rejected

Nagsumite ng kaniyang resignation si Mayor Magalong bilang contact tracing czar ngunit hindi ito tinanggap ng Palasyo. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ” Magalong still continues to enjoy the trust and confidence of the Task Force.”

Loading…