Tone-toneldang cultured Tilapia nasayang lang dahil sa tinatawag na “duong”

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Nasayang ang mahigit 13 toneladang isda kabilang ang mga cultured tilapia dahil sa isang natural phenomenon
  • Sinabi ng BFAR na ang insidente ay sanhi ng “overturn” na tinatawag na “duong” ng mga lokal na mangingisda
  • Ipinaliwanag ng isang BFAR bilologist kung paano nangyayari ang “overturn”

Tone-toneladang cultured Tilapia at iba pang uri ng mga isda ang nasayang sa Sampaloc Lake sa San Pablo, Laguna dahil sa natural phenomenon na tinatawag ng mga lokal na mangingisda na “duong” o “overturn” sa wikang Inggles.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ayon sa isang fish cage owner na si Andrea Teodoro, noong January 1 ay napansin niya ang ilang ayungin at black mask fish na wala nang buhay na nagsilutangan. Kinabukasan ang mga alaga niyang mga tilapia naman ang lumutang sa lawa.

Sabi ni Teodoro, na presidente ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council sa kanilang lugar, sinubukan pa ng ilang fish cage owners na mag-harvest ng mga inaalagaang tilapia, subalit ilan na lang ang nakuha nila na maaaari pang mapakinabangan.

Sa tantiya niya, aabot sa mahigit labintatlong tonelada ang nasayang na mga isda.

Ipinaliwanag ng isang biologist ng Laguna Lake Development Authority na si Jonathan Nicolas na ang pangyayari ay sanhi ng pagkaunti ng dissolved oxygen sa lawa dahil sa tinatawag na “overturn.” Tinatawag ito ng mga local fishermen na “duong” na nangyayari umano tuwing panahon ng taglamig.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sabi ni Nicolas, dahil ang tubig sa ibabaw ng Sampaloc Lake ay lumamig, pumapailalim iyon at ang tubig sa ilalim ng lawa ay pumapaibabaw naman. Iyon ang tinatawag na overturn.

Aniya, kasabay ng pag-ibabaw ng tubig mula sa ilalim ay ang mga sari-saring organismo na naninirahan sa ilalim ng lawa na nagiging kakumpitensya ng mga isda sa oxygen.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Dahil sa phenomenon na ito, sinabi ng director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region IV na si Sam Malvas na kailangang anihin na ng mga mangingisda ang mga tilapia na maaari pang mapakinabangan dahil magtatagal pa ang malamig na panahon.

Tiniyak ni Malvas na ang mga isdang maha-harvest nang buhay ay ligtas kainin.

Loading…