Trending na magtataho noon, binigyan ng food cart ni Tulfo

Imahe mula sa Facebook | Jam Perry Branch at RTIA
  • Hinandugan ng bagong kabuhayan ang magtataho na naitampok noon sa programa ni Raffy Tulfo
  • Tuwing maglilibot kasi siya upang magbenta ng taho ay pasan niya ang kaniyang anak
  • Nagpasalamat naman siya kay Jam Perry Branch na siyang nagbahagi ng kuwento niya sa social media

Hindi napigilan ng nag-viral na taho vendor ang kaniyang luha matapos na biyayaan ng programa ng brodkaster na si Raffy Tulfo ng food cart business.

Imahe mula sa Facebook | Jam Perry Branch

Matataandaang kinaantigan sa social media ang kuwento ng 30 anyos na si Richard Paclibare na bukod sa itinitindang taho ay pasan din ang kaniyang isang taong gulang na anak dahil walang magbabantay rito.

Nang ipanganak kasi ang kaniyang baby girl ay iniwan na rin sila ng kaniyang partner.

Paliwanag ni Richard, pagtataho ang kinagisnan niyang hanapbuhay dahil kapag umaga ang kaniyang klase ay sa hapon siya naglalako at kapag hapon naman ang pasok ay sa umaga muna siya maglilibot.

Upang makatulong sa mag-ama ay tinanong ng team ni Tulfo kung ano ang kabuhayang nais niyang matanggap. Bukod sa groceries ay hinandugan din sila ng fish ball cart na kumpleto na rin sa mga gamit at mga sangkap.

Imahe mula sa RTIA via YouTube

Nagpasalamat siya hindi lamang kay Tulfo kundi maging sa netizen na si Jam Perry Branch na siyang nag-post ng kaniyang istorya sa social media at naging tulay upang malaman ng mga tao ang kalagayan nilang mag-ama.

May mga tumulong din daw kasi noon sa mag-ama kaya napabinyagan niya na ang kaniyang anak. “Kung ‘di dahil sayo, hindi ako matutulungan nang ganito… Lahat ng ginagawa ko para sa anak ko e. Pangako ko yun, Sa anak ko lahat yun,” aniya.

Matatandaang sumaludo rin si Tulfo kay Jam dahil hindi pansarili ang hiniling niya.

“Alam mo, nakatutuwa. Hindi ito ang first time na nangyari na mayroong katulad ni Sir Jam. Magre-request ng tulong sa atin para matulungan yung isang kababayan na mas naghihikahos kaysa sa kanila,” sabi ni Tulfo.

Loading…