UK variant ng COVID-19 wala pa sa Pilipinas – DOH

Imahe mula sa WebMD
  • Sinabi ng DOH na wala pang UK variant ng COVID-19 na nakapasok sa Pilipinas
  • Ang announcement ng DOH ay kasunod ng pahayag ng isang UP-OCTA Research group member na posibleng nakapasok na ito sa bansa
  • Isasailalim sa genome sequencing ang mga positive RT-PCR tests mula sa mga travelers na galing sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng UK variant ng COVID-19

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na ang variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa United Kingdom (UK) na pinaniniwalaang mas malakas makahawa ay wala pa sa Pilipinas.

Imahe mula sa DOH

Sa isang anunsyo na inilathala sa Facebook page ng DOH, sinabi ng kagawaran na as of January 2, 2021 ay wala pang nade-detect na UK variant ng COVID-19 sa bansa ang Philippine Genome Center.

Ang lahat umano ng resulta ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) na nagpositibo mula sa mga biyaherong nagmula sa mga bansang may kumpirmadong UK variant ng COVID-19 ay isasailalim pa lang sa genome sequencing simula sa Lunes, January 4.

“This is to clarify that as of Jan. 2, 2021, the Philippine Genome Center has not detected the UK variant in the country. All RT-PCR positive specimens from the countries with confirmed UK variant are to undergo genome sequencing beginning Monday, Jan. 4, 2021,” ayon sa DOH statement.

Ang DOH statement ay inilabas kasunod ng pahayag ng isang miyembro ng UP-OCTA Research group na nagsabing posbileng nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng COVID-19 matapos kumpirmahin ng Singapore government na isang Singaporean girl galing sa UK ang nagpositibo rito.

Imahe mula sa Philippine Genome Center

“Rest assured that the DOH is working with relevant agencies to ensure that stricter measures of control are being implemented in all ports of entry. Meanwhile, we urge everyone to keep practicing the minimum public health standards —the only universally effective protocol against any mutation, variant, or strain,” ayon pa sa DOH.

Bilang pag-iingat na makapasok sa bansa ang bagong COVID-19 variant, minabuti ng pamahalaan na pansamantalang hindi papasukin sa Pilipinas ang mga travelers mula sa mga bansang may kumpirmadong new COVID-19 variant.

Screenshot mula sa CNN PH video
Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…