Unang batch ng mga train cars para sa LRT-1 Cavite Extension dumating na

Imahe mula sa DOTr
  • Dumating na sa bansa ang first batch ng mga train cars na gagamitin sa LRT-1 Cavite Extension project
  • Ang first batch ay bahagi ng 120 train cars na kayang bumuo ng 30 train sets na inorder mula sa Spain at Mexico
  • Ang proyekto ay 51.61% complete na as of December 2020 at inaasahang magkakaroon ng partial operation bago matapos ang 2021

Ipinakita ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko ang first batch ng mga bagon ng tren na gagamitin para sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension project na ngayon ay mahigit 50% complete na.

Imahe mula sa DOTr

Ayon sa operator ng LRT-1, ang mga bagon ng tren na dumating ay bahagi lang ng 120 4th generation train cars na inorder ng Pilipinas sa Spain at Mexico. Ang 120 bagon ay makabubuo ng 30 train sets. Kaya nitong makapagsakay ng 800,000 passengers kada araw. Sa kasalukuyan ay 500,000 passengers ang naseserbisyuhan ng LRT-1.

Sa unveiling ceremony para sa mga bagong train cars, ibinunyag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang proyekto ay sinimulan 19 years ago, subalit nang magsimula ang Duterte administration noong 2016 ay “zero percent” pa ang right-of-way na certified as “free and clear”, batay umano sa report ng isang independent consultant.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon na ng budget para sa right-of-way acquisition noon pang 2007.

“Under the Duterte administration, we pushed and pushed hard. That is why today, we see the steps of the whole realization of this project – partial operability within this year, by accepting the trains and the cars,” wika ni Sec. Tugade.

Imahe mula sa DOTr

Tiniyak ng kalihim ang partial operability ng LRT-1 Cavite Extension sa Disyembre ngayong taon.

Sa oras na makumpleto ang proyekto, ang biyahe sa pagitan ng Baclaran sa Parañaque City at Bacoor, Cavite ay tatagal na lang ng hanggang 25 minuto mula sa dating halos dalawang oras.

Imahe mula sa DOTr

Loading…