Unang kanta ng half-Pinay na si Olivia Rodrigo number 1 agad sa Billboard Hot 100 chart

Imahe mula sa Instagram account ni Olivia Rodrigo
  • Unang kanta ng half-Pinay na si Olivia Rodrigo, number 1 sa Billboard Hot 100 chart
  • Wala sa hinagap ng Filipina-American na ang una niyang kantang “Drivers License” ay papatok at susuportahan ng mga music fans
  • Bukod sa Drivers License, na si Olivia mismo ang sumulat, ang isa sa mga komposisyon niya ay nakapasok din sa Billboard 100 noong nakaraang taon

Wala sa hinagap ng Filipina-American na si Olivia Rodrigo na ang una niyang kantang “Drivers License” ay papatok at susuportahan ng mga music fans.

Imahe mula sa Instagram account ni Olivia Rodrigo

“My first song Drivers License came out about a week ago. Never in my wildest dreams did I expect all of this support. This morning the billboard charts came out and Drivers License debuted as number one in the world! it broke all these records too!” post ni Olivia sa Instagram.

Noong nakaraang linggo ay nasungkit ng disisyete-anyos na half-Pinay ang number 1 spot sa Billboard Hot 100 at Global 200 para sa kauna-unahan niyang kanta bilang solo artist.

Ang ranking sa Billboard ay ibinabatay sa US streaming ng official audio at video, radio airplay at sales data, samantalang sa Global 200 chart, ang ranking ay ibinabase sa streaming at sales activities mula sa 200 international territories.

Bago ang Billboard debut ng Drivers License ay binasag na nito ang record sa Spotify para sa most streamed song sa loob ng isang linggo, at ang record sa Amazon Music para sa pinakamalaking first-week streaming debut sa buong mundo.

Imahe mula sa Instagram account ni Olivia Rodrigo

Bukod sa Drivers License, na si Olivia mismo ang sumulat, ang isa sa mga komposisyon niya ay nakapasok din sa Billboard 100 noong nakaraang taon. Ang “All I Want” na soundtrack ng “High School Musical: The Musical: The Series,” ay nag-peak sa No. 90 noong January 2020.

Si Olivia ay isinilang at lumaki sa California. Pinoy ang tatay niya at German-Irish naman ang kanyang ina.

Mahilig umano siyang magluto ng mga pagkaing Pilipino at ang paborito niya ay lumpia. Pinalaki raw siya ng mga magulang na maging mabait, magalang at palaging gumawa ng tama.

Imahe mula sa Instagram account ni Olivia Rodrigo

Loading…