Unang magazine cover ni Miss Charo Santos noong 15 anyos siya, hinangaan

Imahe mula sa Instagram account ni Charo Santos
  • May pa-throwback si Charo Santos-Concio sa social media na hinangaan ng mga fans at mga kasama sa showbiz industry
  • Isang larawan ng lumang magazine kung saan siya ang nasa cover ang ipinost niya sa Instagram
  • Sinabi niyang kinse anyos pa lang siya nang kunan ang larawan sa Weekly Women’s magazine na nalathala noong June 25, 1971

Maraming social media followers ni Charo Santos-Concio, isang mahusay na aktres at dating presidente ng ABS-CBN, ang humanga sa pa-throwback niya sa Instagram nang i-post niya ang larawan ng isang lumang magazine na siya ang nasa pabalat.

Imahe mula sa Instagram account ni Charo Santos

Sabi niya, iyon daw ang una niyang magazine cover. Kinse anyos pa lang daw siya noon.

“Just a little throwback… my first ever magazine cover at age 15. During my time, that was called the “hotpants,” aniya.

Mahigit 9,500 na ang nag-like sa post niya matapos ang dalawang araw at mahigit isandaang fans at kasama sa showbiz industry ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa angkin niyang kagandahan.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga tagahanga niya:

“So beautiful po Ate Charo.”

“Superrr ganndaaa.”

“Ganda nyo po Mam Charo.”

“Wow ganda, dalagang Filipina.”

Mayroon ding nagsabi na kahawig niya sa naturang litrato si aktres na si Liza Soberano.  “Looks like @lizasoberano.”

Imahe mula sa Instagram account ni Charo Santos

Bumilib naman ang veteran broadcaster na si Karen Davila na naitago pa niya ang kopya ng first magazine cover niya na makikita sa larawan na nalathala noon pang June 25, 1971.

“So I can share significant moments in my life with my children and grandchildren. ‘Once upon a time there was this quite awkward and shy girl who faced her fears just to make her mother happy!'” sagot niya sa komento ni Karen Davila.

Noong ika-65 niyang kaarawan noong October 27 noong nakaraang taon ay nagbahagi rin siya sa social media ng mga lumang larawan niya habang inaalala ang mga kabiguan at tagumpay na kanyang pinagdaanan.

Imahe mula sa Instagram account ni Charo Santos

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong sumuporta at nagmahal sa kanya sa loob ng mahabang panahon.

Aniya, “It’s so good to be 65.”

Source :

Instagram, Push

Loading…