Vaccine passport dapat libreng ibigay sa mga mamamayang nabakunahan – Sen. Grace Poe

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Grace Poe
  • Hinihikayat ni Sen. Grace Poe ang DOH na ibigay nang libre sa mga Pilipino ang vaccine passport
  • Naghain ng panukalang batas si Sen. Poe na nagbibigay ng awtorisasyon sa Secretary of Health na mag-isyu ng vaccine passport
  • Naniniwala ang senadora na malaki ang maitutulong ng vaccine passport upang mas mapabilis ang pagbabalik-trabaho ng mga mamamayang nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic

Kasunod ng paghahain niya ng panukalang batas na magbibigay ng awtorisasyon sa Secretary of Health na mag-isyu ng standard vaccine certificate o vaccine passport bilang katunayan na nabakunahan na kontra COVID-19 ang isang Pilipino, hinimok ni Senator Grace Poe ang Department of Health (DOH) na ibigay iyon nang libre sa mga vaccine beneficiaries.

Screenshot mula sa Health Magazine video

“The certificate as proof of vaccination should be at no cost to the recipient. The standard document that our people will carry as their badge of protection that they have been vaccinated should not make them spend extra money because every peso is precious especially during these hard times,” giit ni Sen. Poe sa hearing ng Senate Committee of the Whole tungkol sa vaccination program ng gobyerno.

Naniniwala ang senadora na malaki ang maitutulong ng vaccine passport upang mas mapabilis ang pagbabalik-trabaho ng mga mamamayang nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

“The vaccine certificate would be very effective. ‘Pag naghanap ang ating mga kababayan, kabilang na ang mga OFW, ng trabaho at pinakita nila ‘yun, advantage na ‘yan sa kanila. Alam naman natin ‘yun ang kulang sa atin ngayon…na kailangan talagang mas dumami ulit ang mga nagtatrabaho,” paliwanag niya.

Imahe mula kay Sen. Grace Poe

Aniya, kung may vaccine passport ay mas mapapabilis ang pagbabalik ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa kanilang trabaho sa ibang bansa dahil posibleng maging requirement na iyon sa paglabas ng bansa.

“‘Yung mga OFW natin, kapag aalis sila para magtatrabaho sa ibang bansa, darating ang panahon na magiging requirement na ‘yan—kung ano ang mga bakunang meron ka… May mga iba pang klaseng virus na maaaring lumabas na kailangang magpabakuna tayo. Mauna na tayo,” ayon pa sa senadora.

Imahe mula sa DOH

Nauna nang ipinahayag ng DOH na makikita sa vaccine passport kung kailan nabigyan ng first dose at second dose ng bakuna ang isang vaccine beneficiary.

BASAHIN: Mga Pinoy na mababakunahan iisyuhan ng DOH ng “vaccine passport”

Loading…