Vendor marahas na hinuli dahil ayaw isuko ang kariton sa clearing operation; 2 senador naalarma

Screenshot mula sa video ng DZMM via Twitter
  • Parañaque task force na nagsasagawa ng clearing operation marahas na hinuli ang isang vendor na ayaw isuko ang karitong kinukumpiska
  • Naalarma sa insidente si Senator Ping Lacson at Sen. Nancy Binay
  • Nangako naman ang Parañaque City government na iimbestigahan ang nangyari

Nagpahayag ng pagkabahala ang dalawang senador dahil sa sinapit ng isang vendor mula sa mga kamay ng task force sa Parañaque City na nagsagawa ng clearing operations.

Screenshot mula sa video ng DZMM via Twitter

Makikita sa viral video na ibinahagi sa Twitter na nakikipaghilahan ang vendor sa mga tauhan ng Parañaque City task force na kinukumpiska ang kariton para isakay sa truck. Marahas na pinadapa at pinosasan ang tindero.

Napaulat na sinipa pa raw sa mukha ang kawawang vendor, ngunit bineberipika pa umano ito.

Nagpahayag ng sentimyento si Senator Ping Lacson sa ginawa ng mga task force members sa vendor. Aniya, dapat manaig ang justice at rule of law, pero hindi naman daw masama kung mangibabaw ang awa.

“Justice and the rule of law must prevail but there is nothing wrong if mercy may overrule justice,” anang senador na nangakong gagawa siya ng hakbang tungkol sa pangyayari matapos mapanood ang video.

“That poor vendor’s ‘kariton’ may be his family’s only lifeline. I am doing something about this,” sabi pa ni Sen. Lacson.

Screenshot ng tweet ni Sen. Ping Lacson

Sinabi naman ni Sen. Nancy Binay na dapat daw ay tinulungan at inunawa ng task force members ang vendor sa halip na gumamit ng dahas.

“Even the strictest law has a heart in the right place. In these trying times, compassion & the desire to help those in need should be the moral compass. Imbes na saktan, unawain at tulungan na lang sana,” ani Sen. Binay.

Screenshot ng tweet ni Sen. Nancy Binay

Nangako naman ang mga opisyal ng Parañaque City government na iimbestigahan ang insidente.

Sinabi ni city administrator Fernando Soriano aalamin kung totoong sinipa ang vendor.

Sa videong ito ay malinaw namang nakita na may isang tao na gumawa nito. Panoorin:

Loading…