Wala nang SNL; ASAP Natin ‘To mapapanood na sa TV5

Image by ASAPOFFICIAL via Facebook
  • ASAP Natin ‘To masusubaybayan na sa Kapatid Channel
  • Bunga ito ng bagong nabuong partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5
  • Sunday Noontime Live, nagpaalam sa ere noong January 17, 2021

Maliban sa A2Z, mapapanood na rin sa TV5 ang noontime variety show na produced ng ABS-CBN na ASAP Natin ‘To. Bunga ito ng bagong nabuong partnership sa pagitan ng Kapamilya Network at Kapatid Network.

Dahil dito ay mas lalawak na ang maaabot ng programa kung saan masusubaybayan ang mga talento ng mga Filipino celebrities partikular sa pagkanta at pagsayaw kagaya nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary V, Bamboo, Sarah Geronimo at marami pang iba.

Papalitan ng ASAP Natin ‘To ang Brightlight Productions-produced na Sunday Noontime Live (SNL) kung saan tampok sina former ABS-CBN talents Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray at Jake Ejercito.

Sa huling tagisan ng SNL at ASAP noong Linggo, January 17, 2021, ay naging highlight ng nauna ang Hanggang sa Huli performance ng SB19 boys na sina Justin, Sejun, Stell, Ken at Josh. Highlight naman ng ASAP ang Pangalawang Bitaw performance ng The Juans.

Pahayag ni Brightlight Productions CEO Albee Benitez, makaraan ang kalugod-lugod na tatlong buwan sa himpapawid ay magwawakas na ang SNL. Aniya, “Sunday Noontime Live’s delightful run is about to end and we await future endeavors from its outstanding stars and phenomenal newcomers.

Patuloy pa rin namang mapapanood sa TV5 ang mga programang Lunch Out Loud ni Billy Crawford, Rated Korina ni Korina Sanchez, at Oh My Dad ni Ian Veneracion.

Image by TV5 via Facebook

Sa kanyang naunang kolum sa Philippine Star, nasabi ni Ricky Lo na malaking boost sa Kapamilya channel sakaling matuloy ang partnership sa TV5 para ma-extend ang free TV coverage nito.

Magiging win-win din daw ito kung sakali yamang magiging extended home na rin ng mga malalaking artista ang TV5.

Sa ngayon ay napapanood na sa Cignal cable ang mga ABS-CBN channels na Kapamilya Channel, Jeepney, Cinemo at Knowledge Channel.

Image by ASAPOFFICIAL via Facebook

Loading…