Willie Revillame na-meet na ang apo sa anak na si Meryll Soriano

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano
  • Na-meet na ni Willie Revillame ang kaniyang apo sa anak na si Meryll Soriano
  • Kamakailan lamang ay nagbahagi si Meryll ng larawan sa Instagram kasama ang kaniyang baby, si Joem Bascon, at ang anak niyang si Elijah Palanca
  • Naging usap-usapan noon ang pagbabalikan nina Meryll at Joem matapos na mag-break sina Joem at ang long-term girlfriend niya na si Crisha Uy

Happy lolo ang Wowowin host na si Willie Revillame sa larawan na ibinahagi ni Meryll Soriano kamakailan kasama ang kaniyang bagong silang na anak.

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano

Sa isang Instagram post ni Meryll na may caption na “With Lolo” ay makikitang karga ni Willie ang sanggol.

Bago ito ay nag-post si Meryll ng family picture kasama sina Joem Bascon, ang kanilang baby, at ang anak niyang si Elijah Palanca. “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy, and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours,” aniya sa caption.

Naging kumpirmasyon ito ng pagbabalikan ng dating magkasintahan matapos na maging usap-usapan ito nang magkasama sina Joem at Meryll sa isang pelikula noong 2019. Naging tikom noon ang kanilang mga bibig tungkol dito.

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano

Samantala, nag-viral naman ang vlog ng ex-girlfriend of eight years ni Joem na si Crisha Uy kung saan emosyonal niyang inamin niyang hiwalay na sila ng aktor matapos itong ma-fall out of love sa kaniya.

“Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love. Hindi naman pwedeng pilitin ‘yong taong hindi na ako mahal. Mahirap tanggapin pero kailangan,” paglalahad ni Crisha.

Sabi pa ni Crisha noon, kung mayroon nang bagong mahal si Joem ay wala na siyang magagawa.

“Kung may minahal man siya agad pagkatapos, it is not really my business anymore. Doon lang ako sa parte ng buhay niya na involved ako.”

Loading…