#WinWinSituation: Lalaki may paalala sa mga customers

  • May paalala ang isang lalaki para sa mga customers
  • Maging good customers daw sila upang makaranas sila ng good service
  • Nilagyan niya ito ng hashtag na #WinWinSituation

Narinig na natin ang sikat na pahayag na “Customers are always right” subalit marami sa mga customers ang tila sinasamantala naman ito, lalo na kapag nagpaparating ng kanilang mga hinaing o complaints. May ilang mga insidente ng pamamahiya sa mga kaawa-awang service crew o staff na walang magawa kundi lunukin na lamang ang kahihiyan alang-alang sa kanilang trabaho.

Kaya naman, may paalala ang isang netizen na itinampok sa Facebook page na “Note” kung saan makikitang may tangan siyang karatula. Nakasaad sa kaniyang hawak ang mensaheng “If you want good service be a good customer” na may hashtag na “WinWinSituation.

Imahe mula sa Facebook page na Note / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon dito.

“True! Not all customers are always right, but treat them right…” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “True ‘yan. Be good to others talaga. Respect others so others will also respect you. Pakitandaan po natin.”

“True dahil hindi lahat ng customers mabait, naranasan ko ‘yan dahil nagtatrabaho ako ngayon sa gasolinahan, may mga tao talagang ma-attitude, inayos mo ang pagsasalita, iinsultuhin ka pa,” pahayag naman ng isa.

Samantala, may mga tumutol din naman dito at ipinaliwanag na “depende” sa kalagayan o mga pangyayari. Baka raw kasi na-trigger lamang ang mga customers dahil sa di-kagandahang serbisyo.

“Depende din, hindi lang naman fast food o restaurant ang may service and customer, in general, hindi siya accurate kasi may mga mapangmata ring tao ang naka-assign sa service lalo na kung hindi niya type yung sinabi na “GOOD CUSTOMER,” sabi ng isa.

Saad naman ng isa, “Always give good service no matter how bad the costumer is, lalo na kapag nasa hospitality industry ka.”

Public Domain Image

“I beg to disagree. Ako nga, I’m tired of going to restaurants and other places na hindi maganda ang treat when you’re not dressed up well, like someone who can’t afford to buy food or luxury there. Not all but most. Sad reality,” wika naman ng isa.

Customer ka man, staff o employer, iisa lamang ang bottom line: maging mabuti ang pakikitungo sa kapwa, nasaanman at kailanman!

Source :

Facebook

Loading…