Xian Lim nagpasalamat na ligtas ang pamilya matapos malooban ang bahay

Imahe mula sa Instagram | Xian Lim
  • Malaki ang pasasalamat ni Xian Lim dahil ligtas ang kaniyang pamilya matapos silang malooban
  • Aniya, kinuha ng mga kawatan ang kanilang mga telebisyon at computer
  • Pag-amin niya, noong una ay galit at takot ang kaniyang naramdaman ngunit napalitan ito ng pagpapasalamat dahil walang masamang nangyari sa kaniyang pamilya

Nagpapasalamat ang aktor na si Xian Lim dahil ligtas ang lahat ng kaniyang mga mahal sa buhay matapos na malooban ang kaniyang tahanan kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Xian Lim

Pag-amin niya, noong una ay takot at galit ang kaniyang naramdaman ngunit kalaunan ay ipinagpasalamat na lamang niya na walang masamang nangyari sa kaniyang pamilya.

“At first, there was nothing but fear and hatred running through me. I feared for my life, my mom, lola, and lolo. As time passed by, I became grateful that no one was hurt,” paliwanag niya sa isang Instagram post kung saan ibinahagi niya rin ang tagpong kaniyang nadatnan.

Dagdag niya pa, sana ay gamitin nang tama ng mga kawatan ang mga nakuha sa kaniyang bahay. “I hope kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin ay magamit ninyo ang perang ‘yan para mapakain nang husto ang pamilya ninyo. Diyos na ang bahala sa inyo.”

Imahe mula sa Instagram | Xian Lim

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Xian na umuwi siyang basag na ang kanilang bintana at sira ang grills. May iniwan din na kahoy na may mga nakausling pako na maaaring ginamit upang makapasok sa kanilang bahay.

“I looked around and saw that all the TVs and computer are gone… Basically, there was forcible entry and about four people ransacked my home,” pahayag niya.

Nai-report niya na raw sa mga awtoridad ang pangyayaring ito at tinitiyak na nila ang kaligtasan ng kanilang pamilya. “We are now taking the necessary steps and precautions to keep our place and everyone safe. Keep safe everyone,” pagtatapos niya.

Source :

Instagram

Loading…