Yearbook photos ni Maine Mendoza noong nag-aaral pa siya kinaaliwan

  • Kinatuwaan ng mga tagahanga ni Maine Mendoza ang mga yearbook photos niya noong nag-aaral pa lamang siya
  • Nakapagtapos si Maine sa kolehiyo sa isang prestihiyosong pamantasan sa Maynila
  • Natapos naman niya ang internship sa New York, USA

Mahalaga ang yearbook sa bawat magsisipagtapos — magmula sa elementarya, sekundarya, at tersyarya dahil nagsisilbi itong paalala ng “fruit of labor” ng isang mag-aaral sa kaniyang pagpupunyagi upang mapagtagumpayan ang kaniyang buhay-akademya. Mababalik-balikan ito at mananariwa ang alaala ng pagiging mag-aaral kasama ang mga naging guro at kaklase.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang mga ibinahaging yearbook photos ng phenomenal star na si Maine Mendoza magmula elementarya hanggang sa tersyarya o kolehiyo, na makikita sa Facebook page na “AlDub Fans Club OFC.”

Imahe mula sa Facebook page na AlDub Fans Club OFC

“Beautiful SMILE – Maine Mendoza,” saad sa caption ng post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Simple and sophisticated beauty! Grabe ang cute niya noong bata pa siya at pretty na siya hanggang ngayong malaki na,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Bata pa lamang siya, makikita mo na talaga ang pagiging charming niya!”

“Iyan si Maine Mendoza, hindi retokada. Natural at totoo ang ang beauty niya. Hindi tulad ng ibang artista na gumanda lang dahil sa retoke,” direktang komento ng isa.

Wika naman ng isa, “Ang ganda naman ni Maine nooong bata pa siya! Super cute!”

Si Maine Mendoza ay isinilang noong Marso 3, 1995 sa Santa Maria, Bulacan. Ang kaniyang mga magulang ay sina Teodoro at Mary Ann Mendoza, na isang accountant at nagmamay-ari ng mga gasolinahan sa Bulacan habang si Teodoro ay isang engineer na may road construction business.

Natapos ni Maine ang kaniyang high school sa St. Paul College of Bocaue sa Bulacan. Natapos naman niya ang Bachelor’s degree in Hotel, Restaurant and Institution Management Major in Culinary Arts sa De La Salle-College of St. Benilde. Natapos naman niya ang internship sa The Sagamore sa Bolton Landing, New York, USA.

Imahe mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

Bago pa man naging sikat na artista at host ng “Eat Bulaga,” nakilala muna sa pagda-dubsmash si Maine sa kaniyang social media accounts, hanggang sa maging “Yaya Dub” sa “All for Juan, Juan for All” na siyang naging dahilan kung bakit hindi sinasadyang natuklasan ang team up nila ni Alden Richards o mas kilala bilang AlDub. At sabi nga, the rest is history na sa naging pagsikat ni Maine nang husto sa larangan ng showbiz.

Sa kasalukuyan, siya ay nobya ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde, na anak naman ng batikan at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.

Loading…