Young entrepreneur sa Iloilo City nagtitinda ng brewed coffee gamit ang bisikleta

  • Kinalugdan ng mga netizens ang isang young entrepreneur sa Iloilo City
  • Nagtitinda kasi siya ng brewed coffee sa pamamagitan ng bisikleta
  • Kakaiba ang kaniyang konsepto kaya naman marami ang natutuwa at tumatangkilik sa kaniya

Nakatutuwang senaryo na makakita tayo ng kabataang sa halip na puro pagbubulakbol o pagliliwaliw ang inaatupag, ay ginagamit ang kaniyang panahon. oras, at lakas upang kumita ng pera at makatulong sa pamilya.

Itinampok ng isang netizen na nagngangalang “Vic Salas” sa kaniyang Facebook post ang nakilala niyang binatilyo na isang young entrepreneur na naglalako ng brewed coffee sa kakaibang paraan. Mistulang “mobile coffee” ang tema ng binatilyo dahil inilalako niya ang paninda sa pamamagitan ng kaniyang bisikleta.

Imahe mula sa Facebook account ni Vic Salas

“Enterprising young guy serving brewed coffee from his bicycle, from 6-9:00 in the morning at the waiting shed near Gaisano City. Coffee is from lambunao, he measures the grounds into a shot glass, puts it into a filter pouch, then from a kettle where he has the freshly boiled hot water (he has a small portable stove too) he stirs it in and lets it brew,” salaysay ni Salas.

“(He) also has muscovado if you like your coffee with sugar. Also has his own plastic bag for trash. 35 pesos for a good brew,” dagdag pa niya.

Batay sa mga kalakip na larawan, makikitang naka-face mask naman ang binatilyo, at kapansin-pansin ang kaniyang menu na nakasabit sa mismong bisikleta, na siya mismo ang nagmamaneho. Ang nakasabit na menu na iyon ay kadalasang nakikita sa mga tipikal na coffee shop.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Young entrepreneur! He is making a decent living for his family! He should be patronized!” saad ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Vic Salas

Turan naman ng isa, “The more Ilonggos should continue to patronize him. May he be successful on his promising business! My sister, who now owns a telecom company, started selling haluhalo, fresh mangoes, etc. when we were young. Now she runs a company that has 100 plus regular employees.”

Hindi naman nakuha ang pagkakakilanlan ng naturang binatilyo. Kung nasaan ka man, kudos sa iyo! Nawa ay maging inspirasyon ka sa lahat!

Loading…