Zsa Zsa dinalaw at nilinis ang puntod ni Dolphy

Imahe mula sa Instagram | Zsa Zsa Padilla
  • Pumunta si Zsa Zsa Padilla sa puntod ng pumanaw niyang partner na si Dolphy
  • Aniya, sa unang pagkakataon ay hindi niya nadalaw si Dolphy sa ‘Araw ng mga Patay’ at Pasko
  • Naglinis siya sa puntod ni Dolphy at nag-iwan ng mga bulaklak

Dinalaw ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang puntod ng kaniyang dating partner na si Dolphy sa Heritage Park sa Taguig kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Zsa Zsa Padilla

Kuwento ni Zsa Zsa, sa unang pagkakataon sa nakalipas na walong taon ay hindi siya nakapag-alay ng mga bulaklak sa puntod ni Dolphy noong nakalipas na Araw ng mga Patay at Pasko.

“For the first time in eight years, I was not able to put flowers on my Lovey’s tomb during ‘Araw ng mga Patay’ and Christmas so since it is Inday’s day off, cleaned together with my driver and ordered flowers from CAB,” aniya.

Matatandaang pansamantalang ipinagbawal noong Undas ang pagdalaw sa mga sementeryo upang maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao at posibleng pagkakahawaan ng COVID-19. Madalas kasing dinudumog ng mga tao ang mga sementeryo tuwing Undas.

Imahe mula sa Instagram | Zsa Zsa Padilla

Humingi rin si Zsa Zsa ng panalangin para kay Dolphy na gugunitain na ang ika-9 na anibersaryo ng pagpanaw sa Hulyo. “Please say a little prayer for him,” pakiusap ni Zsa Zsa.

May dalawang anak sina Dolphy at Zsa Zsa na sina Zia at Nicole.

Samantala, noong 2019 ay ibinahagi ni Zsa Zsa na balak na nilang magpakasal ng kaniyang boyfriend na si Conrad Onglao. Sa isang panayam sa Push ay sinabi niya noon na nais niyang maging simple ang kanilang pag-iisang dibdib. Gusto raw ni Conrad na gawin ito sa ibang bansa habang siya naman ay sa Pilipinas gustong ikasal.

Pagdating naman sa kaniyang wedding gown, sinabi niyang gusto niyang local designer ang gumawa nito. “I really want it sobrang simple. Pinaplano pa naman,” sabi pa niya.

Source :

Instagram, Push

Loading…