30,000 Filipino workers lilinangin ang husay sa artificial intelligence

Image by Fortunato dela Pena via Facebook | Image by Project SPARTA via Facebook
  • Husay sa artificial intelligence, ituturo sa 30,000 Filipino workers
  • 1.1-million trabaho sa Pinas sa 2028 mapapalitan dahil sa makabagong teknolohiya ayon sa Cisco at Oxford Economics
  • DOST Secretary: “We hope that through this program, we could retool those who will be affected by the global growth of AI”

Dahil sa pag-unlad sa larangan ng artificial intelligence na inaasahang makaaapekto sa mga tradisyunal na trabaho, lilinangin ng Department of Science and Technology (DOST) ang husay ng tinatayang 30,000 Filipino workers sa larangan ng AI, data science, data analytics at iba pang kaugnay na larangan.

Image by Project SPARTA via Facebook

Magaganap ito sa ilalim ng proyektong SPARTA na nangangahulugang Smarter Philippines through Data Analytics Research and Development, Training and Adoption.

Batay kasi sa pag-aaral na isinagawa ng tech giant na Cisco at Oxford Economics, tinatayang 1.1-million trabaho sa Pilipinas sa 2028 ang mapapalitan dahil sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya.

Pahayag ni DOST Secretary Fortunato dela Pena, layunin ng programa na makalinang ng inisyal na 30,000 workers hanggang 2022.

Saad pa ng kalihim, “We hope that through this program, we could retool those who will be affected by the global growth of AI.”

Ani dela Pena, ang mga magsisitapos sa programa ay required na mag-take ng capstone projects na makabebenepisyo sa gobyerno. Tinutukoy na capstone project ang multi-faceted projects kagaya ng thesis na nagsisilbing culminating academic and intellectual experience o experience para sa mga estudyante.

“Other proposals are still for refinement. A capstone project is a final requirement of the training to enable the student to apply learnings from the course and deliver outputs that can be used by an institution.”

Image by Fortunato dela Pena via Facebook

Ang SPARTA ay kahalintulad ng Coursera yamang ito’y isa ring educational platform na nag-o-offer ng mga libreng online courses.

Ipatutupad ng Development Academy of the Philippines sa pakikipagtulungan sa Analytics Association of the Philippines at DOST-Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ang programa.

Image by Project SPARTA via Facebook

Loading…