38 Kadamay members pinagmulta ng korte ng P200 kada isa dahil sa pagtake-over ng lote noong 2017

Imahe mula sa International Alliance of Inhabitants
  • Pinagmulta ng korte ng P200 kada isa ang 38 miyembro ng Kadamay
  • Ito ay may kaugnayan sa insidente noong Abril 2017
  • Hindi na rin ipinakulong ng korte ang mga pinagmultang miyembro

Pinagmulta ng korte sa Quezon City ang 38 miyembro ng Kadamay dahil sa pagte-tresspassing at ginawang take-over ng grupo sa isang private property sa lungsod noong 2017.

Sa desisyong inilabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court na may petsang Pebrero 22, napatunayang guilty sa trespassing ang 38 miyembro ng Kadamay at pinagbayad sila ng multang P200 kada isa.

Ito ay may kaugnayan sa pag take-over ng grupo noong Abril 2017 sa isang 1,600 square meter na bakanteng lote sa Tandang Sora, QC kung saan sinugod nila ito at sinira ang gate kahit pa pilit silang pinigilan ng mga guwardiya.

Kadamay sa Pandi, Bulacan| Imahe mula sa Twitter

Ang nabanggit na lote ay dating kinatatayuan ng kanilang bahay subalit pinaalis sila ng may-ari noong Hunyo 2016.

Base sa desisyong isinulat ni Judge Don Ace Mariano Aguilar ng ng Branch 43, hindi kinilala ng korte ang depensa ng grupo na kaya nila ginawa ng pag-take over ay upang maiwasan ang isang ‘evil’, na ang tinutukoy ay ang napipintong clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“The defense of the accused does not even satisfy the first element that there is an evil sought to be avoided as the alleged clearing operation of the MMDA enjoys the presumption of regularity and therefore lawful and legal. It is not an evil that must be avoided,” ayon sa ruling.

Gayun pa man, hindi na ipinakulong ang mga miyembro ng Kadamay; bagkus ay pinagmulta na lamang sila ng P200 dahil umano sa sitwasyon nila nang panahong iyon.

Kdamay sa Rodriguez, Rizal| Imahe mula sa ABS-CBN News

“But the court understands that accused were driven by self-preservation under the circumstances and will thus impose the penalty of fine instead of imprisonment,” wika pa ng desisyon.

Paliwanag pa ng korte, P200 lamang ang multang ibinigay sa kanila dahil ito ang itinakda ng Revised Penal Code para sa iba pang uri ng trespassing. Hindi pa rin umano ipinatutupad – nang mangyari ang insidente – ang Republic Act No. 10951; ang batas na nagtataas sa nasabing multa.

Unang naging laman ng balita ang Kadamay matapos nilang i-take over ang isang National Housing Authority (NHA) project sa Pandi, Bulacan noong Marso 2017. Matapos ang mahigit isang taon, muli na naman nilang sinugod ang isa pang housing project sa Rodriguez, Rizal noong Hunyo 2018.

Ayon sa grupo, ginagawa umano nila ito bilang protesta sa kakulangan ng gobyerno na magbigay ng murang pabahay para sa mga mahihirap na Pilipino.

Loading…