50% capacity sa simbahan, pagbubukas ng sinehan at ilang tourist attractions sa GCQ areas, pinayagan

Screenshot mula sa OnePH video
  • Niluwagan na ng IATF ang mga restriksyon sa mga religious gatherings sa GCQ areas
  • Mula sa dating 30% ay puwede na ang 50% capacity sa mga simbahan simula sa February 15, 2021
  • Puwede na ring magbukas sa nabanggit na petsa ang mga sinehan, ilang tourist attractions at iba pang industriya

Mula sa dating 30% ay pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang 50% capacity sa mga simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula sa Lunes, ika-15 ng Pebrero.

Screenshot mula sa OnePH video

“Inaprubahan po ng IATF ang pag-relax or pagluwag ng restrictions sa mga relihiyosong pagtitipon sa lugar na nasa general community quarantine simula Lunes, a-kinse ng Pebrero,” pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque.

“Pinapayagan na sa mga lugar na nasa GCQ ang religious service na hanggang 50 percent ng seating o venue capacity,” sabi pa niya.

Ang pagluluwag sa mga restriksyon sa religious activities ay naaprubahan ng IATF bago magsimula ang Lenten season ng Katoliko sa Ash Wednesday, ika-17 ng Pebrero.

Sinabi ni Cabinet Secretary at IATF co-chairperson Karlo Nograles na sa halip na magpahid ng abo sa noo, ang abo ay ibubudbod sa ulo ng mga deboto gaya ng ginawa noong nakaraang taon.

Imahe mula sa The Jakarta Post

Bukod sa pagluluwag ng mga restriksyon sa religious gatherings, pinayagan na rin ng IATF ang mas marami pang industriya na muling makapagbukas o mapalawig ang operasyon. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Driving schools
  • Ttraditional cinemas
  • video and interactive game arcades
  • Libraries, archives, museums, cultural centers
  • Meetings, incentives, conferences and exhibitions
Imahe mula sa SM Cinema
  • Limited social events at accredited establishments of the Department of Tourism
  • Limited tourist attractions, such as parks, theme parks, natural sites and historical landmarks

Ang final guidelines para sa mga ito ay ilalabas ng Department of Health at local government units.

Source :

Inquirer, CNN PH

Loading…