85 anyos na lolong naglalako ng walis tambo, nakatanggap ng tulong mula sa netizens

Imahe mula sa Facebook | Benedict Jade Duran
  • Pinadalhan ng netizens ng regalo si Tatay Jesus, ang 85 anyos na naglalako ng walis tambo
  • Ilan sa kaniyang mga natanggap ay groceries at bigas
  • Pangako ni Benedict Jade Duran, ang rider na tumulong sa kaniya, hindi ito ang huling beses na hahatiran niya ng tulong si Tatay Jesus

Inulan ng tulong si Tatay Jesus Nieves, ang 85 anyos na lolo na naglalako ng walis tambo sa San Jose del Monte, Bulacan kahit pa hirap na sa paglalakad.

Imahe mula sa Facebook | Benedict Jade Duran

Muli silang nagkita ni Benedict Jade Duran, ang rider na huminto sandali sa kaniyang hanapbuhay upang ialok online ang mga paninda ni Tatay Jesus para makapagpahinga na lamang ito.

Dahil sa paghanga sa kasipagan ni Tatay Jesus ay marami ang nag-abot ng tulong sa kaniya. Binisita nina Benedict at ilang mga kasamahan si Tatay Jesus sa kaniyang bahay sa Rodriguez, Rizal upang ihatid sa kaniya ang naipong groceries at bigas.

“Sa pangatlong pagkakataon, nagkita ulit tayo, Tatay Jesus…Sa mga nagbigay ng tulong sa GCash, cash, at pag-abot ng goods, maraming salamat po talaga. Hindi ko po kayo maisa-isa dahil medyo marami rin po kayo. Kahit kaunti man ‘yan o marami, ‘pag naipon natin ‘yan, dadami talaga ang maibibigay natin sa kaniya,” sabi ni Benedict.

Imahe mula sa Facebook | Benedict Jade Duran

Masaya raw siya nang makita ang ngiti ni Tatay Jesus matapos na iabot dito ang regalo ng netizens. “Kita n’yo naman sa mukha ni Tatay na napakasaya niya. Priceless talaga kapag nakakakita tayo ng ganitong smile sa matanda,” dagdag pa ni Benedict.

[Related: Rider pinagpahinga ang 85 anyos na naglalako ng walis, ibinenta online ang paninda nito]

Plano na ni Tatay Jesus na muling maglako ng walis tambo sa Marso ngunit pipigilan na raw siya ni Benedict. Pangako rin niya, hindi ito ang huling beses na mag-aabot siya ng tulong para kay Tatay Jesus.

Ilan sa mga pangunahing pangangailangan ni Tatay Jesus, ayon kay Benedict, ay banig, unan, lutuan, damit, at gamot. Para sa mga nais na mag-abot ng tulong kay Tatay Jesus, maaari itong ipadala kay Benedict sa pamamagitan ng GCash:

Benedict Jade Duran

09266922472

Source :

Facebook

Loading…