Agriculture Sec. Dar ‘pababahain’ ng galunggong ang mga palengke sa Metro Manila

Imahe mula sa UNTV
  • Inatasan ni Agriculture Sec. Dar ang BFAR na pabahain ng mga galunggong ang wet markets sa Metro Manila
  • Tapos na ang three-month closed season ng galunggong fishing sa Palawan
  • Ang 95% ng supply ng galunggong na ibinebenta sa Metro Manila ay galing sa Palawan

Asahan na sa darating na mga araw ang “pagbaha” ng mga isda, partikular na ng galunggong sa mga wet market sa Metro Manila kasunod ng direktiba ni Agriculture Secretary William Dar sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Imahe mula sa Palawan News Online

Inatasan ni Sec. Dar ang BFAR na dalhin sa Metro Manila ang mga isda mula sa Palawan upang magkaroon umano ng alternatibong makakain ang mga mamimili na hindi makabili ng karne ng baboy dahil sa mataas na presyo nito. Layunin din ng direktiba na bumaba ang presyo ng mga isda sa mga pamilihan.

“There is one major concern that we need to solve and be part of the solution. This is now open season for galunggong, let’s bring them, let’s buy through our fishers’ cooperatives,” pahayag ni Sec. Dar.

“Let us help each other. Let us flood Metro Manila with low-priced fish like galunggong. Let us compete with those who are importing. This is going to be a partnership and this is an order for all of you to be a part of it. It would be useless if we can’t solve the problem of food security,” ayon pa sa kalihim.

Imahe mula sa Department of Agriculture

Noong ika-2 ng Pebrero ay inalis na ng BFAR ang tatlong buwang pagbabawal na mangisda ng galunggong sa Palawan, kung saan nanggagaling ang 95% ng supply ng galunggong na ibinebenta sa Metro Manila.

Noong 2015 pa nagpapatupad ang BFAR ng short-term ban sa mga malalaking fishing grounds sa bansa upang mapreserba ang mga fishery resources ng bansa.

Sinabi ni BFAR Director Eduardo Gongona tiyak na dadami ang supply ng galunggong sa Metro Manila dahil tapos na ang “no fishing” season.

Imahe mula sa Business Mirror

Ayon sa BFAR, hindi dapat lumampas sa P200 per kilo ang presyo ng galunggong.

Sinabi naman ni Sec. Dar na kailangan ding bantayan ang presyo ng ibang isda tulad ng tilapia at bangus upang manatili ang mga ito na abot-kaya ng mga mamimili.

Loading…