Alamin: Bagong COVID-19 testing policy sa mga pasaherong darating sa NAIA

Imahe mula sa PNA
  • Binago na ang swab testing policy para sa mga pasaherong dumarating sa NAIA mula sa ibang bansa
  • Kung noon ay agad isa-swab test paglapag sa airport, ngayon ay maghihintay pa ng limang araw mula sa date of arrival bago isagawa ang swab test
  • Bago dumating sa Pilipinas dapat ay naka-book na ang pasahero sa mga hotel o kaya ay sa mga accredited quarantine facility nang 7 days dahil doon gagawin ang swab test

May kahigpitan ang bagong quarantine protocols na ipinatutupad ngayon ng Pilipinas para sa mga travelers mula sa ibang bansa na dumarating sa mga paliparan sa bansa dahil sa pagkakaroon ng UK variant ng COVID-19 dito.

Imahe mula sa OTS

Kung noong una ay agad isinasailalim sa swab test ang mga pasaherong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa ibang bansa, ngayon ay kailangan nilang dumiretso sa isang quarantine facility o kaya ay hotel at pagkalipas ng limang araw simula nang dumating ay saka pa lang gagawin ang swab test.

“Arriving passengers, regardless of their origin, shall be required to undergo facility-based quarantine upon arrival. They shall then undergo RT-PCR test on the 5th day from their date of arrival in the country unless the passenger shows symptoms at an earlier date on quarantine,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong nakaraang linggo.

Dahil facility-based na ang ginagawang swab test, kailangang naka-book na sa hotel o accredited quarantine facility nang hanggang pitong araw ang pasaherong darating sa bansa.

Imahe mula sa CNNPH

Kapag positibo ang swab test ay ililipat sa designated hospital para sa gamutan at kapag negatibo naman ang resulta ay ii-endorso ang pasahero sa local government units kung saan ang kanilang destinasyon para tapusin ang nalalabing mga araw sa 14-day quarantine sa isang isolation facility.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kung ang bahay ng pasahero ay may dedicated room na may sariling bathroom ay maaaring doon na lang nito tapusin ang nalalabi sa 14-day quarantine.

Inamin ni Undersecretary Raul Del Rosario, ang head ng NAIA one-stop shops, na may hamong dala ang facility-based swab testing.

Imahe mula sa PNA

“Isa-isahin na isa-swab sa mga hotel. Noon dito lang natin nasa-swab lahat, ngayon kailangan ng mobile swabbing team para ma-swab ang mga pasahero,” aniya.

Pinapayagan na ring makapasok ng bansa ang mga holder ng foreign passport mula sa mga bansang may naitalang UK variant ng COVID-19 kapag sila ay holder ng valid Philippine visa, foreign dignitary, may asawa, anak o magulang na Philippine passport holder na kasama sa flight.

 

Source :

ABS-CBN, PAL

Loading…