Andre Paras ibinahagi ang modern technology struggles ng amang si Benjie Paras

Imahe mula sa Instagram | Game of the Gens at Kobe Paras
  • Nalimitahan ang pisikal na interaksyon ng mga tao sa isa’t isa dahil sa pag-iingat sa COVID-19
  • Dahil dito ay nauso ang video conferencing app para sa online classes, meeting, at maging sa pakikipagbonding sa mga mahal sa buhay
  • Ang ilan, kabilang na ang aktor at dating basketball player na si Benjie Paras, hirap pa sa paggamit nito

Dahil sa pandemya ay nalimitahan ang pisikal na interaksyon ng mga tao sa isa’t isa. Naging virtual ang klase, meeting, at maging ang iba pang mahahalagang okasyon kagaya ng binyag at kasal.

The struggle is real para sa ilang mga hindi gaanong sanay sa pakikipag-usap gamit ang social media at iba pang video calling applications dahil kinailangan nila itong matutunan upang makasabay sa new normal mode of communication.

Imahe mula sa Instagram | Kobe Paras

Sa ginanap na virtual press conference ng Game of Gens, isang game show kung saan magsasama-sama ang magkakapamilya mula sa magkaibang henerasyon, tinanong ang host na si Andre Paras kung naranasan na niyang maharap sa mahirap na sitwasyon dahil mula sa ibang henerasyon ang isang tao.

Pag-amin ni Andre, hirap siya sa pagtuturo sa kaniyang 52 anyos na amang si Benjie Paras sa paggamit ng Zoom, isang video conferencing application.

“Hanggang ngayon, ‘yong dad ko hirap pa ring mag-Zoom,” pagbubuking ni Andre kay Benjie, ayon sa PEP.

“Hindi marunong. ‘Yong meeting ID, password, hindi pa niya magawa. My gosh, Dad. Please don’t get old on me. Kaya mo pa ‘yan, please!” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Instagram | Kobe Paras

Samantala, ibinahagi rin ni Andre ang kaniyang paghahanda sa PBA draft ngayong taon kasabay ng pagtatrabaho sa show business.

“Kahit papaano naman, I am very thankful kasi I still have time to do tapings for Game of the Gens and I can still train individually. So I have the best of both worlds at the moment.”

Dagdag niya rin, ang kaniyang motto sa buhay ay gawin kung ano ang makapagpapasaya sa kaniya. “Showbiz or hosting makes me happy. Basketball makes me happy and at this point, sabay pa rin sila e,” aniya.

Ayon kay coach Mark Herrera, walang pasubali na ang 6-foot-4 na si Andre Paras ay may magandang hinaharap sa PBA. “Ready na ready na si Andre para sa PBA,” aniya.

Source :

PEP, PBA Ph

Loading…