Ang dating libreng COVID-19 vaccine na ipinangako ng COVAX facility may bayad na

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Hindi na libreng ibibigay ng COVAX facility ang ipinangakong 40 million doses ng COVID-19 vaccine
  • Tiniyak naman ng WHO, isa sa nagtatag ng COVAX facility, na maliit na halaga lang ang babayaran ng Pilipinas
  • Inaasahang ipadadala ng COVAX facility sa Pilipinas ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero
  • Darating naman ang 5.5 million hanggang 9.2 million doses ng AstraZeneca vaccine bago matapos ang unang tatlong buwan ng taon

Nauna nang naiulat dito sa Definitely Filipino na ang Pilipinas ay bibigyan ng libreng 40 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility na ang isa sa mga nagtatag ay ang World Health Organization (WHO).

Imahe mula sa STR

BASAHIN: Pilipinas makatatanggap ng libreng 40 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa COVAX

Matatandaang ipinahayag ni Secretary Carlito Galvez, ang vaccine czar ng bansa, na darating ang unanng batch ng bakunang walang bayad ngayong Pebrero.

“Ikinagagalak ko pong ibalita na ang atin pong COVAX facility para sa Pilipinas ay naaprubahan na po. Siguro mayroon po tayong 30 to 40 million na doses for free para po sa lahat ng ating kababayan,” wika ni Sec. Galvez noong ika-21 ng Enero.

Ngunit nagpahayag ang WHO Philippine representative na si Dr. Rabindra Abeyasinghe na hindi na libre ang mga bakunang manggagaling sa COVAX facility. May bayad na ito at tinatawag nila iyon na co-financing.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Tiniyak naman niya na maliit na halaga lang ang babayaran ng Pilipinas.

“Initially the plan was to make this free but latest communication apparently looking for some costs… Lowest possible costs because of the scale of purchase… It’s minimal,” ani Dr. Abeyasinghe.

Inaasahang ipadadala ng COVAX facility sa Pilipinas ang inisyal na 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero at 5.5 million hanggang 9.2 million doses ng AstraZeneca vaccine bago matapos ang unang tatlong buwan ng taon.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ayon kay Sec. Galvez, ang mga bakunang mabibili ng Pilipinasa sa pamamagitan ng COVAX facility ay hindi lalampas sa $7 ang halaga.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…