Angel’s Burger tinapatan ng isang bagong Buy1 Take1 burger kiosk

Imahe mula sa Facebok account ni Yerffej Sotnas
  • May isang bagong burger kiosk sa Quezon City na panapat daw sa Angel’s Burger
  • Devil’s Burger ang pangalan ng bagong burger kiosk na B1T1 din ang panghatak sa customers
  • Bukod sa B1T1 burgers at hotdogs ay may B1T1 rice meal din ito
  • Ang bagong bukas na burger kiosk ay inanunsyo sa social media ng aktor na si Jeffrey Santos, na pinaniniwalaang siyang may-ari nito

Ibinahagi ng aktor na si Jeffrey Santos, nakatatandang kapatid ng popular na aktres na si Judy Ann Santos, sa social media ang larawan ng isang burger kiosk na aniya ay magbibigay ng bagong kahulugan sa salitang comfort food.

Imahe mula sa Facebok account ni Yerffej Sotnas

Tulad ng Angel’s Burger, ang tinaguriang Ang Burger ng Bayan na mayroong mahigit isanlibong branches sa buong bansa, buy 1 take 1 din (B1T1) ang alok ng bagong burger kiosk na Devil’s Burger na ang tagline ay “Sulit ang anghang sarap.”

Ang bagong affordable burger, na ayon kay Jeffrey Santos ay may linamnam na hindi malilimutan, ay matatagpuan sa Litex Road, Barangay Commonwealth sa Quezon City.

“Now open! Devil’s Burger! New normal comfort food! Mula unang kagat hanggang huling lasap me sundot ng ‘di makakalimutang linamnam,” saad sa Facebook post ng aktor na posibleng siyang may-ari ng bagong burger kiosk.

Trenta pesos lang ang bawat order ng B1T1 burger. Kapag may cheese ay P40. Ang B1T1 Sulit Jumbo Hotdog Sandwich ay mabibili naman sa halagang P50 at kung single Ultimate Hotdog Sandwich na may sari-saring toppings ay P45 each.

Screenshot mula sa video ng Devil’s Burger via Facebook

Sa halagang P59, matitikman mo na ang Inferno Burger Sandwich na isang spicy hamburger na may double patties.

Sa mga mahihilig sa kanin, mabibili rin sa Devil’s Burger ang Rapsa Rice Meals na tatlong ulam ang pagpipilian – hotdog, bacon at burger steak. Bawat order ay may kasamang fried egg at sauce na puwedeng piliin – gravy, cheese o kaya ay hot sauce.

Screenshot mula sa video ng Devil’s Burger via Facebook

Sa maniwala kayo o hindi, B1T1 din ang Rapsa Rice Meals na nagkakahalaga lang ng P79 per order.

Isang netizen ang nagbahagi sa Facebook ng litrato ng Devil’s Burger kiosk na tila nilalagyan pa ng finishing touches ng tatlong manggagawa.

May caption ito na: “Kabahan na ang Angel’s Burger.”

Imahe mula sa Facebook account ni Art Josef

Loading…