Anne Curtis, nakabalik na sa Pilipinas matapos ang mahigit isang taon sa Australia

Imahe mula sa Instagram | Anne Curtis at Erwan Heussaff
  • Balik-Pinas na si Anne Curtis at ang kaniyang mag-amang sina Erwan Heussaff at Dahlia Amelie
  • Pumunta sa Australia si Anne noong Disyembre 2019 bilang paghahanda sa panganganak
  • Inabutan sila ng pandemya sa ibang bansa kaya naman minabuti nilang manatili muna roon

Nakabalik na sa bansa ang aktres na si Anne Curtis kasama ang kaniyang asawang si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia Amelie.

Imahe mula sa Instagram | Anne Curtis

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Erwan ang ilang mga larawan at video sa kanilang pagbalik sa Maynila, kabilang na ang kanilang flight at maging ang swab test na isinagawa kay Anne.

Sa caption ay ibinahagi niya rin na sumailalim sila sa hotel quarantine sa loob ng anim na araw. “Melbourne to Manila and six days hotel quarantine done. Eight days of home isolation to go,” sabi ni Erwan.

Samantala, si Anne naman ay nagbahagi ng larawan kasama si Dahlia habang tinatanaw ang view sa labas ng kanilang bintana. “Good morning, Philippines,” sabi niya.

Sinalubong naman sila ng welcome back messages ng kanilang mga mahal sa buhay kabilang na ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis at ang brother-in-law ni Erwan na si Nico Bolzico.

Imahe mula sa Instagram | Anne Curtis

Natuwa rin sa kanilang pagbalik ang mga kaibigan ni Anne sa industriya. Ilan sa mga nag-iwan ng komento sa post ni Anne ay ang kaniyang mga kapwa It’s Showtime hosts na sina Jhong Hilario at Karylle. “Welcome home! We missed you, guys! Hi, Dahlia!!!” sabi ni Karylle.

December 2019 nang kumipad patungong Australia sina Anne at Erwan bilang paghahanda sa panganganak ng aktres. Isinilang ni Anne ang kanilang panganay sa kasagsagan ng pandemya kaya naman kinailangan nilang manatili muna sa Australia.

“Given the current situation, na-extend talaga ‘yong stay namin dito because, I mean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime. Pero now, I have a little life to think of and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health,” sabi ni Anne sa isang lumang interview, ayon sa PEP.

Loading…