Anti-LGBT nga ba ang Dimsum Factory na ineendorso nina Yorme at Marvin Agustin?

Imahe mula sa Dimsum Factory PH
  • Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan na-trigger sa isang job posting ng kumpanya na ineendorso daw nina Yorme at Marvin Agustin
  • Discriminatory raw ang text ng kumpanya laban sa mga job applicants na nakikita ang mga tattoo kahit may suot na t-shirt, mid-30s ang edad at miyembro ng LGBT
  • Partikular na ikinagalit ni Habijan ang nakasaad sa text message ng kumpanya na nagsasabing “LGBT are not allowed to apply”

Tinawag ni Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan ang pansin nina Mayor Isko Moreno at Marvin Agustin dahil sa job posting ng kumpanya na diumano ay ineendorso ng dalawa na nagpapakita ng diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT.

Imahe mula sa Instagram account ni Mela Franco Habijan

Ayon kay Habijan, discriminatory ang post ng kumpanyang Dimsum Factory Noodle laban sa mga taong may tattoo sa parte ng katawan na nakikita kapag may damit, sa mga taong nasa mid-30s ang edad at sa mga miyembro ng LGBT.

“Dear @marvinagustin and @iskomorenodomagoso, it has come to our attention that the dimsum brand you endorse seems to be LGBTQIA-phobic. In this SMS, it is blatantly stated that ‘LGBT are not allowed to apply. More so, it discriminates people with tattoos and people in their mid-30s too. Dimsum Factory, if this is how you do your hiring, you have no right to do your business. Workplaces that discriminate people do not deserve to operate,” post sa Instagram ni Habijan.

Isinama rin ni Habijan sa kanyang post ang kopya ng text ng kumpanya. Aniya, ang mga ganoong pahayag ang dahilan kung bakit naninindigan sila sa anti-disrimination bill o ang SOGIE Equality Bill.

Ito ang screenshot ng kontrobersyal na text message ng kumpanya:

Imahe mula sa Instagram account ni Mela Franco Habijan

Sa follow-up  Instagram post ay ipinost ni Habijan ang sagot sa kanya ni Marvin Agustin.

“Hi Miss Mela! Thank you for tagging me. I just spoke with the owner of Dimsum Factory and he told me that they would never send a poorly worded and obviously wrong message like this. And they tell me this isn’t even an address (they) have,” sabi ng aktor na isa nang negosyante ngayon.

Naglabas din ng official statement ang Dimsum Factory PH hinggil sa isyu at pinasinungalingan ang maling paratang sa kanila.

Imahe mula sa Facebook account ng Dimsum Factory PH

Loading…