Apat na workers nabagsakan ng malalaking bakal sa ginagawang NLEX-SLEX Connector Road project

Screenshot mula sa video ng Animation Maker TV
  • Nabagsakan ng malalaking bakal ang apat na construction workers sa ginagawang NLEX-SLEX Connector Road project
  • Naganap ang insidente sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila malapit sa LRT-1 station
  • Iniimbestigahan na ng NLEX Corporation ang pangyayari at nangako na ibibigay ang lahat ng posibleng pangangailangan ng apat na manggagawang nasaktan

Apat na construction workers ang isunugod sa pagamutan matapos mabagsakan ng malalaking bakal na ikinakabit bilang hulmahan ng mga gagawing poste sa bahagi ng ginagawang North Luzon Expressway-South Luzon Expressway (NLEX-SLEX) Connector Road sa Blumentritt Street sa Sta. Cruz, Maynila

Screenshot mula sa video ng Animation Maker TV

Ang tatlo sa mga manggagawa ay nagtamo lang ng minor injuries at agad ding pinauwi kalaunan, subalit ang isa ay nananatili pa rin sa pagamutan habang sumasailalim sa mga pagsusuri at naghihintay ng resulta ng x-ray.

Ayon sa statement na inilabas ng NLEX Corporation, naganap ang insidente dakong 4:50 ng hapon noong Lunes, ika-1 ng Pebrero.

Iniimbestigahan na ng kumpanya ang pangyayari at nangako na ibibigay ang lahat ng posibleng pangangailangan ng apat na manggagawang nasaktan.

“The company is committed to upholding safety standards on all its projects, and will be conducting a full investigation of the incident,” bahagi ng pahayag ng NLEX Corporation.

Samantala, nilinaw ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation, ang operator ng Light Rail Transit Line 1, na hindi sa LRT-1 Blumentritt Station naganap ang insidente at hindi LRT-1 passengers ang mga nasaktan. Wala umanong kinalaman ang kanilang pasilidad sa pangyayari.

Screenshot mula sa video ng Animation Maker TV

“The incident took place at a construction site located about 20 meters away from the station. LRMC would like to assure that the company upholds the highest safety standards and remains committed in running the LRT-1 system safely for Filipino commuters,” pahayag ng LMRC.

Ang NLEX-SLEX Connector Road project ay isang 8-kilometer long elevated expressway na magkukumpleto sa koneksyon ng NLEX at SLEX. Proyekto ito ng Manila North Tollways Corporation.

Source :

GMA Network, PTV

Loading…