Apply na: Mahigit 55,000 jobs available sa virtual job fair ng JobStreet

Imahe mula sa Pixabay
  • Magsasagawa ang JobStreet Philippines ng kauna-unahang Virtual Career Fair sa February 17-21, 2021
  • Available ang mahigit 55,000 jobs sa virtual job fair
  • Ilan sa mga kumpanyang naghahanap ng mga bagong empleyado ay ang BDO, Mercedez Benz Group, LBC Express, Yamaha Philippines, Universal Robina Corporation, Aboitiz Construction, Converge, 51 Talk, Accenture, TaskUs at Nestle

Unti-unti nang bumabangon ang ekonomiya ng Pilipinas. Ito ay kung pagbabasehan ang 20% increase sa mga available jobs sa bansa nitong nagdaang last quarter ng 2020.

Imahe mula sa JobStreet Philippines

Sa isang virtual press conference noong Huwebes, February 4, ipinahayag ni Philip Gioca, ang country manager ng JobStreet Philippines na mataas ang kumpiyansa niya na patuloy na tataas pa ang nabanggit na numero sa susunod na anim na buwan.

Inaasahan daw na ang bilang ng mga trabahong available noong bago magkaroon ng pandemic ay maaabot sa Hunyo ng taong kasalukuyan.

Mula sa ika-17 hanggang ika-21 ng Pebrero ay magsasagawa ang JobStreet Philippines ng first-ever interactive Virtual Career Fair kung saan mahigit 55,000 jobs ang available mula sa mahigit 120 hiring companies.

Kabilang sa mga posisyong maaaring pag-apply-an ng mga job seekers ay IT Software Specialist, Digital Marketer, Sales Executive, System Analyst, Customer Service Representative, Financial Consultant, ESL Teacher, Accountant, Engineer, IT Developer, HR Staff, at HR Manager.

Imahe mula sa JobStreet Philippines

Available din ang mga posisyon para sa Office Administrator, Dispatcher, Merchandiser, Warehouse Staff, Quality Assurance Staff, at marami pang iba.

Ilan sa mga kumpanyang naghahanap ng mga bagong empleyado ay ang BDO, Mercedez Benz Group, LBC Express, Yamaha Philippines, Universal Robina Corporation, Aboitiz Construction, Converge, 51 Talk, Accenture, TaskUs at Nestle.

“Millions of Filipinos have lost their jobs last year since the pandemic, and JobStreet embarks on a mission to help Filipinos rebuild the economy by amplifying our commitment to being a career and talent partner this 2021,”sabi ni Gioca.

Imahe mula sa CNN PH

Tampok sa Virtual Career Fair ang live at on-the-spot interview ng Human Resources (HR) representatives mula sa mga participating companies. Isang Chatbot ang gagawa ng pre-screening sa mga potensyal na canditates para sa inaaplayang posisyon.

Sa pamamagitan naman ng Live Chat Control Platform ay maaaring direktang makausap ng kumpanya ang maraming aplikanteng pasok sa kanilang pamantayan.

Ang mga hiring companies ay magkakaroon ng sarili nilang virtual booths na maaaring bisitahin ng mga jobseekers.

Imahe mula sa JobStreet Philippines

“During the lockdown, we’ve faced a lot of challenging times, and this year is everyone’s chance to look for opportunities and rebuild themselves. We encourage jobseekers to join and submit their applications to as many companies as they want during the Virtual Career Fair on February 17 to 21,” panghihikayat ni Gioca sa mga naghahanap ng trabaho.

Ang Virtual Career Fair ay bukas na para sa pre-registration sa pamamagitan ng JobStreet microsite.

Loading…