“Apply now, suffer later:” Sen. Lacson inisa-isa ang kakaharaping problema ng susunod na pangulo

  • “Apply now, suffer later”
  • Ganiyan inilarawan ni Senador Ping Lacson ang kakaharapin ng susunod na pangulo ng bansa
  • Inilagay niya sa Twitter post ang mga problema ng bansa na magiging pasan sa balikat nito

Inisa-isa ng senador na si Panfilo Lacson ang mga posibleng kakaharaping problema ng susunod na pangulo ng Pilipinas na maihahalal ng taumbayan sa taong 2022. Tinawag niya itong “Apply now, suffer later.”

Sa kaniyang Twitter post, inilista ng senador na dating naging PNP chief ang mga posibleng maging sakit ng ulo ng susunod na pangulo ng bansa.

Imahe mula sa Twitter account ni Senador Ping Lacson

“The next President will deal with the following: bad economy, West Philippine Sea, COVID-19, Php12T (trillion) national debt, corruption, drugs, peace and order, 50% increase in IRA, 17.7% unemployment rate, 30.7% hunger rate, MUP Pension (P9.6T seed fund), low tax revenue. Apply now, suffer later,” saad niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Now we identified the main issues that the next president must come up with the solution. Sir, who do you think the potential candidate for the president can or has the ability or political will to solve these very challenging problems?” tanong ng isa.

Turan naman ng isa, “Who do we think will qualify? He or she should be open for transparency and accountability by 2022 then.”

“Parang nagpapahiwatig itong senador na ito na tatakbo sa Eleksyon 2022. What do you think po? Inisa-isa na niya eh, so it means alam na niya ang mga problemang posibleng kaharapin,” banat naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Siguro next applicant for president may background sa negosyo o ekonomiya. Hindi ‘yung matapang lang sa kanto. Laki ng problema sa pera ng Pilipinas oh.”

Public Domain Image

2022 pa ang halalan sa pagka-pangulo dahil sa huling termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, subalit may ilan nang mga lumulutang na pangalan na posibleng pumalit sa kaniya. Isa na riyan ang mismong anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi na niya sa mga panayam na wala siyang balak tumakbo sa pagka-pangulo at sundan ang yapak ni Tatay Digong, at kahit mismong ama niya, hindi siya hinihikayat na maging pangulo. Lumabas pa nga ang kampanyang “Run Sara Run” kamakailan.

At syempre, nariyan din ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo na si Leni Robredo na sinusuportahan naman ng marami, kaya nailunsad naman ang petisyong  “I am Ready 4 Leni.”

Public Domain Image

Sino man ang mailuklok ng mga botante sa pinakamataas na katungkulan sa Pilipinas, iisa lamang ang tiyak: malaking hamon ang kakaharapin niya at hindi basta-basta! Kailangan ng matibay na dibdib, sikmura, dignidad at prinsipyo.

Source :

Twitter, News 5

Loading…