Ash Wednesday: Abo puwedeng ipahid sa noo gamit ang bulak, puwede ring mag-uwi ng holy ashes

Imahe mula sa PNA
  • Naglabas ng bagong patakaran ang CBCP para sa selebrasyon ng misa para sa Ash Wednesday
  • Ang Ash Wednesday ay papatak ngayong ika-17 ng Pebrero
  • Ang Ash Wednesday ay isang Catholic celebration na tanda ng pagsisimula ng 40-day Lenten Season

Naglabas ng guidelines ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa selebrasyon ng misa para sa Ash Wednesday, na papatak ngayong ika-17 ng Pebrero, kaugnay ng pag-iingat kontra sa COVID-19.

Imahe mula sa CBCP

Sa kanyang “Notes on the Ash Wednesday Celebration,” sinabi ni CBCP- Episcopal Commission on the Liturgy Chairman Bishop Victor Bendico na ang mga mananampalataya ay maaari nang mag-uwi sa kanilang tahanan ng holy ashes para ipahid sa kanilang mga kapamilya na hindi makapagsisimba dahil sa restriksyong ipinatutupad ng pamahalaan kaugnay ng pandemya.

Ang mga mananampalatayang nakapagsimba ay bibigyan ng maliit na plastic sachet na mayroong blessed ashes.

“Those, who cannot come to church on this day, can join the celebration of the Mass of Ash Wednesday on TV and other online means. They, then, receive the ashes from family members, who were able to go to church for the celebration and will bring home ashes for them,” ayon sa obispo.

Imahe mula sa Santuario de San Antonio

Dahil sa pag-iingat sa COVID-19, ang abo ay ibinubudbod na lang sa ulo ng mga deboto, subalit kung nais nila ang tradisyunal na pagpahid ng abo na korteng krus sa noo ay maaari itong gawin ng pari. Sa halip na daliri ang ipampahid, gagamit ang pari ng cotton ball. Isang cotton ball sa bawat deboto ang gagamitin.

“The minister uses a different cotton ball for each of the faithful,” ani Bishop Bendico.

Imahe mula sa CNS

Ayon kay Fr. Douglas Badong ng Quiapo Church, pwede namang hindi magpalagay ng abo ang isang mananampalataya. Aniya, ang mahalaga ay mangumpisal at mangagsisi sa kanilang mga kasalanan.

Ang Ash Wednesday ay isang Catholic celebration na tanda ng pagsisimula ng 40-day Lenten Season.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…