Babaeng pumupunta sa gadget store ng isang mall para makausap ang pamilya, nakatanggap ng libreng laptop

Imahe mula sa Facebook | Walter So
  • Nakatanggap ng libreng laptop ang isang ginang na pumupunta sa gadget store ng isang mall para makausap ang kaniyang mga mahal sa buhay
  • Kuwento ng netizen, madalas na pumupunta sa mall ang ginang upang makigamit ng naka-display na laptop
  • Hanga raw siya sa mga staff ng gadget store dahil hinahayaan nila si nanay na gumamit ng kanilang demo laptop

Nabiyayaan ng libreng laptop ang isang ginang na madalas pumupunta sa gadget store ng isang mall sa Makati upang makausap ang kaniyang pamilya.

Imahe mula sa Facebook | Walter So

Ibinahagi ng netizen na si Walter So ang larawan ng hindi pinangalanang babae na nakikigamit ng naka-display na laptop nang sa gayon ay makumusta niya ang kaniyang mga mahal sa buhay.

“I could not resist taking a photo. The store personnel call her ‘nanay.’ She can’t afford a gadget to be able to connect with her family and so she frequents the store so that she can use the demo MacBook and free Internet and chat with her family and check Facebook,” kuwento ni Walter sa kaniyang post.

Bagama’t hindi sigurado si Walter kung bakit walang gadget ang ginang, sinabi niyang marahil ay dahil na rin ito sa pagiging “selfless” ng mga ina. “I am sure she is telling her kids that she has all that she needs,” aniya.

Hanga rin daw siya sa mga empleyado ng store dahil hindi nila pinagbabawalan ang nanay na gamitin ang kanilang gadgets.

Imahe mula sa Facebook | Walter So

“COVID has brought challenges for everyone; families have not seen each other for the longest time. It’s good that technology enables us to at least virtually keep in touch, at least for those who can afford. But for those who can’t there are people like these employees who give a helping hand. Good job!” sabi niya pa.

Masaya rin daw ang uploader dahil ngayon ay may sarili nang laptop ang ginang kaya naman hindi na nito kailangang lumabas ng bahay upang makausap ang kaniyang mga kaanak.

Sa kanyang update, ipinahayag niya na “Happy to share that “nanay” has been provided a MacBook by anonymous.  In coordination with Powermac greenbelt and an anonymous donor, MacBook (pink) has been received by nanay!”

Kayang-kaya niyang gamitin ang MacBook dahil naturuan siya ng mga empleyado.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nagbahagi ng kaniyang post.

“It’s beautiful to see people caring and being touched by this photo, which also symbolizes our Filipino values of family, strong mothers, kindness, but also our struggles and hardship… You sharing this photo to the world helped someone today.”

Sa kasalukuyan ay may mahigit 11k reactions at 3k shares na ang kaniyang post.

Narito ang video ng ginang:

Source :

Facebook

Loading…