Bahay ng pamilya ni Sonia Gregorio napaayos na sa tulong ni Raffy Tulfo

Screenshot mula sa RTIA video
  • Nagbigay kay Raffy Tulfo ng update si Atty. Freddie Villamor tungkol sa pag-usad ng kaso ni Sonia at Frank Gregorio
  • Naiprisinta na umano ang vital witness sa insidente – ang batang kumuha ng video 
  • Humanga si Atty. Villamor sa pagtulong ni Raffy Tulfo sa pamilya Gregorio
  • Bukod sa mga legal na tulong ay ipinaayos pa ni Raffy Tulfo ang bahay ng naulila ng mga biktima

Sa episode ng Raffy Tulfo in Action noong February 20, 2021 ay nagbigay ng ilang update si Atty. Freddie Villamor, ang abogado para sa mga naulila ng mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio na sinawimpalad sa kamay ng pulis na si Jonel Nuezca sa Paniqui, Tarlac.

Screenshot mula sa RTIA video

Ayon kay Atty. Villamor, naiprisinta na nila sa korte ang ikalawang testigo na magpapalakas ng kaso laban kay Nuezca. Ito ay ang apo sa pamangkin ni Sonia Gregorio – si Alyssa Calosing.

Isang vital witness umano itong si Alyssa dahil siya ang batang kumuha ng video ng insidente.

Sabi ng abogado ay in-authenticate ng testigo ang video at cellphone na ginamit niya upang maging admissible iyon sa korte bilang ebidensya.

Nang tanungin ni Raffy Tulfo kung nabibigyan ba ng seguridad ang testigo, sinabi ni Atty. Villamor na matapos daw ang hearing ay nagtungo sila sa bahay ng mga Gregorio at kapansin-pansin umano ang mahigpit na seguridad na ibinibigay sa pamilya ng mga biktima.

Sa puntong ito ay nabanggit ni Atty. Villamor na malaki na raw ang ipinagbago ng bahay ng mga Gregorio dahil sa tulong ni Raffy Tulfo.

Screenshot mula sa RTIA video

“Talagang nagulat ako, idol, sa effort na ibinigay mo sa pamilyang ito,” sambit ng abogado.

Sa naturang episode ay kinumusta rin ni Raffy Tulfo si Florentino Gregorio, asawa at ama ng mga biktima. Kinumpirma niya ang una  nang nabanggit nni Atty. Villamor na mahigpit ang seguridad na ibinibigay sa kanila ng kapulisan sa Tarlac.

Screenshot mula sa RTIA video

Hindi pinalampas ni  Mang Florentino ang pagkakataon upang pasalamatan nang lubos si Raffy Tulfo sa mga tulong na ibinibigay nito sa kanyang pamilya, lalo na ang ipinaayos na bahay.

“Idol Raffy, nagpapasalamat po ako dahil malaki na ang iginanda ng bahay namin… Ang laking tulong n’yo sa amin,” aniya.

Sinabi ni Idol Raffy na kung may iba pang tulong na kailangan ang pamilya Gregorio ay handa niya iyong ipagkaloob.

Screenshot mula sa RTIA video

Source :

YouTube

Loading…