Basketball vloggers binatikos sa paglalaro kahit bawal pa ang contact sports dahil sa pandemya

Screenshot mulasa video ng Mav's Phenomenal Basketball
  • Binatikos ang isang grupo ng basketball vloggers dahil sa pagdayo nito at paglalaro ng basketball sa iba’t ibang lugar sa gitna ng pandemya
  • Ipinagbabawal pa rin ang mga contact sports bilang pag-iingat sa COVID-19
  • Nagulat ang mayor ng Guiguinto, Bulacan nang malaman may naganap na 3-on-3 basketball game sa kanilang bayan

Umani ng mga kritisismo ang popular na basketball vloggers dahil sa mga video nito na kabilang sa tinatawag nilang “Dayo” series kung saan ipinapakita nila ang pagdayo sa iba’t ibang lugar upang makapaglaro ng basketball.

Screenshot mulasa video ng Mav’s Phenomenal Basketball

Sa isang uploaded video sa kanilang YouTube channel na Mav’s Phenomenal Basketball na mayroong 1.7 million subscribers, makikita ang pagdayo nila sa Guiguinto, Bulacan para sa isang 3-on-3 basketball match.

Batay sa mga video ng grupo, maraming lugar na ang dinayo nila para maglaro ng basketball.

Isang concerned citizen ang kumwestyon kung paano nagagawa ng mga ito na dumayo at makapaglaro ng basketball gayong ipinagbabawal pa rin ang pagsasagawa ng mga contact sports dahil sa umiiral na pandemya.

“Hindi ko po sinasabing may nalabag sila pero sinasabi ko po na ako’y nagtataka na paano po nila ito nagagawa?” sabi ng concerned citizen na si Jan Bonnel Buhain.

Maging ang alkalde ng Guiguinto na si Mayor Ambrosio Cruz, Jr. ay nagulat nang ipakita sa kanya ang video ng laro ng grupo sa kanilang bayan.

Screenshot mula sa GMA video

“Noong una nagulat ako kung paano nangyari ito kasi very strict ang aming order, walang contact sports, specifically basketball kasi alam n’yo namang ‘yan ang kinalolokohan ng mga Pilipino, lalo na ang kabataan natin. Pero maliwanag ‘yon, we will never allow basketball in Guiguinto,” mariing pahayag ng alkalde.

Inaalam ni Mayor Cruz kung may sangkot na barangay official sa nangyaring basketball game sa Barangay Tabang. Dapat raw na magpaliwanag at managot ang barangay na nakasasakop sa lugar na pinagdausan ng laro.

Screenshot mula sa GMA video

Loading…