“Bawal judgmental ng Eat Bulaga nag-trending dahil sa guesting ni Harry Roque

Screenshot mula sa Eat Bulaga
  • Nag-trending sa Twitter noong Sabado, February 20, ang Bawal Judgmental ng Eat Bulaga at si Harry Roque
  • Si Harry Roque ang guest sa nabanggit na segment ng noontime show
  • Nahati ang opinyon ng mga televiewers sa guest appearance ng Presidential Spokesperson sa nabanggit na show

Nag-trending sa Twitter ang “Bawal Judgmental” na isang segment ng longest running noontime variety show sa Philippine television na Eat Bulaga, at si Presidential Spokesperson Harry Roque nang mag-guest ang tagapagsalita ng Pangulo sa naturang show noong Sabado, February 20.

Imahe mula sa Twitter via PEP

Kwela naman ang dating ni Secretary Roque, subalit mayroong mga “naalibadbaran” sa kanyang mga hirit.

“Ako po ay virgin…virgin dahil kauna-unahan ko po na makapunta dito sa Eat Bulaga! Ewan ko ba bata pa ako, e, Eat Bulaga! na ito. Ngayon lang ako nakapunta dito sa Eat Bulaga!” pakwelang hirit ni Sec. Roque.

Pabiro pa niyang tinanong si Bossing Vic Sotto kung puwede niyang ipakita ang “kanasa-nasa niyang” katawan.

“Alam mo, Boss Vic, marami pa akong puwedeng gawin. Puwede akong maging bold star din. Puwede bang ipakita ang aking mga moods? At siyempre, ‘yung aking katawan. Marami ang magnanasa sa katawan ko, Boss Vic. Puwede ko talagang ipakita sa iyo. Naku, magagalit lang si Chairman Arenas ano?” biro pa ni Sec. Roque na ang chairman Arenas na binanggit ay si Rachel Arenas na chairman ng Movie and Television Review and Classification Board.

Screenshot mula sa Eat Bulaga

Iyon na raw yata ang pinaka-polarizing na episode ng “Bawal Judgmental,” ayon sa isang netizen, dahil nahati ang opinyon ng mga manonood tungkol sa guest appearance doon ng Presidential Spokesperson.

Marami ang hindi nasiyahan sa mga hirit niya, pero marami rin naman ang natuwa dahil may mga interesanteng bagay din na nasabi si Sec. Roque, partikular na ang mga impormasyon niya tungkol sa bakuna.

Screenshot mula sa Eat Bulaga

Si kabuuan ay naging masaya naman ang episode na iyon ng Bawal Judgmental dahil nanalo ng P60,000 si Roque at home partner niyang si Genevieve Sevilla ng Alang-Alang, Leyte. Ang napanalunan ay gagamitin daw ni Genevieve na pandagdag puhunan sa kanyang sari-sari store at ipambibili ng mga pangangailangan ng amang na-mild stroke.

Narito ang episode na nag-trending:

Loading…