Busilak na kalooban ng buko vendor napatunayan ng dayuhang nagpanggap na nagugutom

Screenshot mula sa Foreigngerms video
  • Isang Syrian national ang nagpanggap na pulubi upang subukan ang kabaitan ng isang buko vendor
  • Marungis, suot ang maruming damit at nakayapak, parang isang pulubi ang itsura ni Sam Ousta nang lumapit sa buko vendor
  • Napatunayan ni Sam sa ginawang social experiment na busilak ang kalooban ng magbubuko

Isang dayuhan ang gumawa ng isang social experiment kung saan nagpanggap siyang pulubing nagugutom upang alamin kung may tutulong sa kanya.

Screenshot mula sa Foreigngerms video

Si Sam Ousta ay isang Syrian national na matagal nang naninirahan sa Pilipinas. Isang buko juice vendor ang target niya sa ginawang social experiment. Bago niya simulan ang video, sinabi niya na plano niyang bilhin lahat ng mga paninda ng tindero ng buko.

“Ok, guys. So, ‘yung gagawin natin is lalapit tayo sa street vendor and we’re going to pretend we’re pulubi and let’s see his kindness towards us. I’m going to pretend I have no money to buy everything I ask from him and see how kind he is to us and after that I’m going to buy out his whole cart. Everything he has in his cart I’m going to buy so he can go home, he can rest, he can go to his family and we’re gonna do a good deed for today,” sabi ni Sam sa kanyang video sa Foreigngerms YouTube channel.

Marungis, suot ang maruming damit at nakayapak, parang isang pulubi ang itsura ni Sam nang lumapit sa buko vendor. Sinimulan niya ang plano sa pagtatanong kung magkano ang isang buko. Nang tanungin siya ng vendor kung saan siya galing, sinabi niya na taga-Syria siya at na-stranded sa Pilipinas dahil sa Covid.

Screenshot mula sa Foreigngerms video

“I have no money, kuya. Maybe you can give me one,” panunubok ni Sam sa vendor na nagpakilalang si brother Bebot, na batay sa mapapanood na video ay palabasa ng Bibliya.

Hindi nagdalawang-isip si brother Bebot na bigyan ng buko ang dayuhang nagpapanggap na pulubi na noon lang niya nakilala. Bukod sa buko, inabutan pa niya ng face mask si Sam.

Screenshot mula sa Foreigngerms video

Sabi ni Sam, ang lalo niyang ikinatuwa ay nang hawakan siya ni brother Bebot sa noo na parang bini-bless siya nito.

Nang lumipat si brother Bebot ng puwesto upang ipagpatuloy ang pagtitinda, palihim na sinundan ito ni Sam at doon na niya isiniwalat ang katotohanan.

Saksihan ang kabutihan ng buko vendor sa video ng social experiment ni Sam Ousta:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…