Buwan ng September, idineklara ni Pangulong Duterte bilang Philippine Film Industry Month

Screenshot mula sa RTVM video
  • Idineklara ni Pang. Duterte ang buwan ng Setyembre bilang Philippine Film Industry Month
  • Inatasan ng Pangulo ang FDCP na pangunahan ang selebrasyon nito taun-taon
  • Ang FDCP rin ang naatasang gumawa ng mga programa, proyekto at iba pang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon nito

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na nagdedeklara sa buwan ng Setyembre bilang Philippine Film Industry Month para mabigyan ng pagkilala ang mga kontribusyon at sakripisyo ng mga nasa industriya ng pelikula.

Screenshot mula sa RTVM video

“There is a need to recognize the invaluable contribution and sacrifices of all stakeholders and sectors of the film industry, as well as provide avenues to showcase and celebrate the achievements and progress of the discipline of film and filmmaking,” nakasaad sa Procalamation 1085 na nilagdaan noong Miyerkules, February 3, 2021.

Sa ilalim ng naturang presidential proclamation, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP)  ang inatasang manguna sa taunang pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month. Ang ahensya rin ang naatasang gumawa ng mga programa, proyekto at iba pang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon nito.

Binigyan din ng direktiba ang lahat ng government agencies, kabilang ang mga government owned or controlled corporations, state universities and colleges at pati na rin ang mga local government units na tulungan ang FDCP sa implementasyon ng programa, mga kampanya at iba pang gawain na naglalayong i-promote ang mga lokal na pelikula tuwing Setyembre.

Imahe mula sa PNA

Maging ang private sector ay hinihikayat na makiisa sa mga programang gagawin ng FDCP kaugnay ng Philippine Film Industry Month.

Noong 2018, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 622 upang ipagdiwang ang pagsilang ng Philippine Cinema sa pamamagitan ng pagdedeklara sa September 12, 2109 hanggang September 11, 2020 bilang “Centennial Year of the Philippine Cinema.”

Ang deklarasyon ay bilang pagkilala sa pelikulang “Dalagang Bukid” na ginawa sa ilalim ng direksyon ni Jose Nepumuceno. Ang naturang pelikula na unang ipinalabas noong September 12, 1919 ang kinikilalang kauna-unahang pelikula na Pilipino ang nag-produce at nag-direct.

Imahe mula sa IMDB
Source :

PNA, GMA Network

Loading…