CBCP nangakong aalisin ang arancel system o ang paniningil sa serbisyo ng simbahan sa mga tao

Imahe mula sa CBCP
  • Muling nangako ang CBCP na tuluyan na nitong aalisin ang arancel system sa mga simbahan sa bansa
  • Ang arancel system ay ang paniningil ng fixed amount sa mga Church services
  • Ang naturang sistema ng paninigil ng fixed amount para sa mga sakramento ay nagsisilbing sagabal sa mga mahihirap upang matanggap nila ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos
  • Naniniwala si Pope Francis na hindi dapat naniningil ng bayad sa serbisyo ang simbahan dahil ang mga sakramento ay biyaya mula sa Diyos

Muling inulit ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang nauna nitong ipinangako na unti-unti nitong aalisin ang arancel system o ang paninigil ng bayad sa serbisyong ipinagkakaloob ng simbahan sa mga mananampalataya.

Imahe mula sa Katoliko’t Kristiyano Facebook page

Sa isang pastoral statement tungkol sa stewardship o ang pagiging katiwala ng mga pagpapala ng Diyos matapos ang 121st CBCP Plenary Assembly noong January 28, nangako si CBCP President Davao Archbishop Romulo G. Valles na tuluyan nang aalisin ang arancel system sa mga simbahang Katoliko sa bansa.

Aniya, ang naturang sistema ng paniningil ng fixed amount para sa mga sakramento ay nagsisilbing sagabal para sa mga mahihirap upang matanggap nila ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos.

“Let us do our best, then, to remove obstacles to genuine service, especially to the poor. This is a concrete step in renewing ourselves in the practice of stewardship, praying that others may see us truly as good stewards of God’s varied graces,” pahayag ni Archbishop Valles.

Nitong mga nagdaang taon, ang dahan-dahang abolisyon ng arancel system at palitan ito ng mas kongkretong stewardship program ay madalas mapag-usapan sa mga pagtitipon ng mga obispo.

Imahe mula sa CBCP

Sa ngayon, marami nang mga simbahan ang nagtanggal ng arancel system at nagpatupad ng tithing system at iba pang stewardship programs.

Nauna nang ipinahayag ni Pope Francis na buo ang kanyang paniniwala na hindi dapat naniningil ang simbahan sa mga serbisyo nito dahil ang mga sakramento ay biyaya mula sa Diyos.

Imahe mula sa Vatican News

Loading…