Choreography ng Fil-Am dance couple tampok sa animated short film ng Disney

Imahe mula sa Instagram account ni Keone Madrid
  • Tampok sa isang short Disney animated film ang choreography ng Fil-Am dance couple
  • Sina Keone at Mari ay award-winning choreographers/dancers na dati nang nakatrabaho ang ibang international music acts tulad nina Justin Bieber, Billie Ellish at ang K-Pop superstar group na BTS
  • Ibinahagi ni Keone sa social media ang sayang idinulot sa kanilang mag-asawa ng partisipasyon nila sa “Us Again”

Nakatakdang ilabas ng Walt Disney Animation Studios ang bago nitong animated motion picture na “Raya and the Last Dragon.”  Ang mga manonood nito sa mga sinehan ay magkakaroon ng “added treat” sa pamamagitan ng bagong short film na “Us Again.”

Screenshot mula sa Us Again short film

Ang “Us Again” ay maikling pelikula na tatagal lang ng anim na minuto. Ginawa ito ng direktor na si Zach Parrish, na siya ring gumawa ng computer animated superhero movie na “Big Hero 6.”

Ang istorya ng “Us Again” ay tungkol sa isang may edad nang lalaki na si Art ang young-at-heart niyang asawa na si Dot na sa isang kamangha-manghang gabi ay muling pinag-alab ang kanilang pagmamahal sa buhay at sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa kanilang kabataan, mga masasayang alaala at kanilang mga pangarap.

Walang dialogue ang short animation film na ito at ang kwento ay idinaan sa sayaw sa saliw ng mga tugtuging makapagpapaalala sa dekada sisenta.

Ang dance choreography na ginamit sa short film ay gawa ng mag-asawang Filipino-American na sina Keone at Mari Madrid.

Screenshot mula sa Us Again short film

“Working with Keone and Mari was the key to making this film work,” sabi ni direk Zack Parrish.

“I loved that their dance style felt like it was made for animation, and that there was this genuine, honest and organic connection between them because they were actually a married couple in real life,” sabi pa ng director tungkol sa mag-asawa.

Sina Keone at Mari ay award-winning choreographers/dancers na dati nang nakatrabaho ang ibang international music acts tulad nina Justin Bieber, Billie Ellish at ang K-Pop superstar group na BTS.

Imahe mula kay Keone at Mari Madrid

Sa Instagram, ibinahagi ni Keone ang sayang idinulot ng partisipasyon nila sa “Us Again” para sa kanilang mag-asawa. Pinasalamatan niya si direk Zach at ang buong team na nasa likod ng short animation film.

Loading…