Computer professionals nagbabala sa panganib ng paggamit ng LYKA social media platform

Imahe mula sa CPU
  • Nagbabala ang mga computer professionals sa panganib ng Lyka social media platform
  • Ang mga Gems na nakukuha umano bilang reward sa online engagement sa Lyka ay maaaring isang pakana raw para sa malawakang market research
  • Ibinahagi ng CPU ang ilang probisyon sa Privacy policy ng Lyka na sa kanilang palagay ay mga red flags o senyales ng panganib

Nagbabala ang isang grupo ng mga computer professionals sa diumano’y panganib na dala ng paggamit ng bagong social media app na Lyka dahil sa privacy at security issues.

Imahe mula sa CPU

Ang Lyka, na inilunsad sa Southeast Asia noong taong 2019, ay isang platform na pinagsama ang mga katangian ng social media at e-commerce kung saan ang mga users ay maaaring mag-post ng content, makipag-interact sa kapwa Lyka users at kumita ng pera dahil sa mga aktibidad nila sa Lyka sa pamamagitan ng “GEM” (Gift card in Electronic Mode) system.

May reward na GEM ang users sa bawat post nila ng larawan o video. Kapag nakipag-interact ka sa isang poster ay pareho kayong magkakaroon ng GEM. Ang isang GEM ay katumbas ng piso (P1.00). Ang maiipong GEM ay maaaring ipambayad sa mga partner stores ng Lyka.

Kahit bago pa lang ang Lyka ay marami nang Pinoy celebrities na nagpo-promote nito. Ang pinakapopular sa kanila ay si Ivana Alawi dahil nakabili siya ng isang mamahaling sasakyan gamit ang mga naipong GEMs.

Sa Facebook post na pinamagatang “The Dangers of Lyka,” sinabi ng Computer Professionals’ Union (CPU) ang monetary reward sa bawat online engagement sa Lyka ay maaaring pakana para sa isang malawakang market research.

Screenshot mula sa YouTube video

“Getting monetary rewards just from participating in a social media platform may seem like a dream come true for many people, but you may just end up as unwitting subjects for a large-scale market research,” sabi ng CPU.

Dahil ang paraan para kumita ng GEM ay online engagement, maeengganyo raw ang mga users na mag-post nang mag-post at magbigay ng maraming impormasyon.

“Since engagement becomes the primary way to earn GEMs, this incentivizes people to share more and more information on the platform,” anang grupo.

Imahe mula sa Google Play

Nagbahagi ang CPU ng ilang probisyon ng privacy policy ng Lyka na sa tingin nila ay mga “red flags” o mga senyales ng panganib, kabilang ang paghingi ng pangalan, address, phone number at bank account numbers kapag nag-register ka.

Sinabi pa sa policy na maaari nilang ibahagi sa iba ang mga nakolektang personal data ng mga users. Dahil umano sa mga polisiyang ito ay nawawalan ng kontrol sa personal data nila ang mga users.

“Since there’s no transparency as to who will have access to our personal data, users will not have visibility over how data will be handled, enabling Lyka and its partners to do whatever they please with the data they amassed,” ayon pa sa CPU.

Imahe mula sa CPU

May mga napaulat pa na ina-access umano ng Lyka ang camera ng user kahit walang permiso.

Ang payo ng CPU sa mga social media users ay pahalagahan ang kanilang personal data na parang mamahaling hiyas (gem). Dapat daw pakatandaan na walang “libre” sa social media. Kung hindi ka magbabayad ng pera para gumamit ng app, ang kabayaran daw ay ang iyong personal data at privacy.

Para mabasa ang buong post, i-click ang imahe sa ibaba:

Narito ang isa pang pagpapaliwanag mula kay Cryptors Cybersecurity founder Alexis Lingad via YouTube:

Loading…