Corruption sa gobyerno ‘imposibleng’ matanggal – Duterte

Screenshot mula sa RTVM video
  • Inamin ni Pangulong Duterte na imposibleng mapuksa ang kurapsyon sa gobyerno
  • Kahit pa umano ito ang ipinangako niya noon sa sambayanang Pilipino
  • Noong nakaraang taon, bumuo ng task force ang DOJ para mag-imbestiga sa sumbong ng katiwalian

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘imposibleng’ tuluyang matanggal ang katiwalian sa pamahalaan kahit pa ito umano ng ipinangako niya noon sa sambayanang Pilipino.

Mahigit isang taon na lamang ang nalalabi sa kaniyang termino bago bumaba sa Malakanyang ang Pangulo na ilang beses na ring nagpahayag ng pagkadismaya sa patuloy na kurapsyon sa mga sangay at ahensiya ng gobyerno.

Screenshot mula sa RTVM video

“I have promised the nation, I said, I would dedicate the remaining months of stay in the Office of the President going after corrupt people so that by the time they would be somewhat fewer,” anang Pangulo sa inereng public address nitong Miyerkules nang gabi.

Subalit tila imposible umano itong makamit, wika ni Duterte, na minsan na ring nangako na bababa siya sa puwesto kapag napatunayang sangkot siya o sinumang malapit na kaanak sa kurapsiyon.

“Don’t expect me to entirely clean as a pristine clean bureaucracy. That is impossible and cannot really be achievable,” dagdag pa ng presidente.

Muli ay nagbanta rin si Duterte sa mga kurakot na opisyal na tumatanggap ng suhol. Aniya, “You should not be there in the service at all.”

Imahe mula sa Nikkei Asian Review

Noong nakaraang taon, inatasan ni Duterte ang pagbuo ng isang task force na siyang mag-iimbestiga sa mga ahensiya ng pamahalaan na pinaghihinalaang sangkot sa malawak na kurapsyon tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at marami pang iba.

Ang naturang task force ay nasa ilalim ng pamamahala ng Justice department.

Maliban sa ilang opisyal at empleyado ng DPWH na natanggal sa puwesto, wala pang nailalabas ang DOJ na pormal na resulta kung ano na ang nangyari sa kanilang pagsisiyasat.

Loading…